Mag-utol na Reyes arestado sa Thailand (DFA bulag, DoJ kompirmado)

0922 FRONTARESTADO sa Thailand si dating Palawan Governor Joel Reyes at kapatid niyang si dating Coron Mayor Mario Reyes.

Ito ang kinompirma ni Justice Secretary Leila de Lima kahapon.

Ayon kay De Lima, ipinaabot sa kanya ng Interpol ang pagkakahuli sa magkapatid.

Ang Reyes brothers ay pangunahing suspek sa pagpaslang sa enviromentalist at broadcaster na si Gerry Ortega noong 2011.

Nabatid na may arrest warrant nang ipinalabas laban sa magkapatid na Reyes na sinasabing pumuslit ng bansa noon pang 2012.

Kabilang ang Reyes brothers sa itinuturing na β€œBig Five Fugitives” sa bansa.

May patong sa ulo nila na halagang P2 milyon bawat isa.

Ngunit ayon sa Department of Foreign Affairs at Philippine Embassy sa Bangkok, wala pa silang natatanggap na impormasyon na naaresto ang magkapatid na Reyes sa Thailand.