This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PINAGTIBAY ng Commission on Appointments (CA) ang nominasyon nina Interior Secretary Mel Senen Sarmiento at Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Ito ay makaraang irekomenda ng dalawang committee ng CA ang pagpapatibay ng nominasyon nina Sarmiento at Bautista.
Walang kahirap-hirap na pumasa si Samiento sa CA at 15 minuto lamang ang itinagal sa pagdinig, ngunit si Bautista ay kinailangan pa ng dalawang pagdinig nang harangin ni Sen. Juan Ponce Enrile sa unang pagdinig.
Si Bautista ay manunungkulan sa Comelec hanggang sa February 2, 2022.
Habang si Samiento ay may natitira pang siyam na buwan sa DILG makaraang palitan sa pwesto si dating DILG Sec. Mar Roxas na pinili ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bilang standard bearer ng Liberal Party (LP) para sa 2016 presidential elections.