NAARESTO na sa Bulacan kahapon ng umaga ang suspek na nag-iwan ng bomba sa Baywalk malapit sa US Embassy nitong Lunes. Nadakip ang suspek na si Rayson Kilala alyas Rashid, 34, residente ng Brgy. Bagumbayan, Bulakan, Bulacan. Ayon kay Sr. Supt. Romeo Caramat, Bulacan police provincial director, nadakip si Kilala dakong 9:30 am ng mga tauhan ng Manila Police District …
Read More »Ina, 2 anak patay, 4 pa sugatan sa sumabog na pabrika (Maghahatid ng pagkain sa padre de familia)
PATAY agad ang dalawang batang magkapatid, habang binawian ng buhay ang ina sa ospital at apat ang sugatan sa pagsabog ng pabrika ng paputok nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang magkapatid na sina Ashley Mayo, 2-anyos, at Rylee Mayo, 5-anyos, ayon sa ulat ni Bulacan Fire Senior Insp. Carlos Estipular. Namatay sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital …
Read More »Gun collector arestado sa Bulacan
ARESTADO sa pulisya ang isang lalaki makaraan makompiskahan ng matataas na kalibre ng baril at mga bala sa Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Oliver Halili, 44, empleyado, at kolektor ng mga baril at bala, residente sa Mulawin St., sa nasabing barangay. Sa ulat kay Supt. Reniel Valones, hepe ng Sta. Maria …
Read More »Patakaran sa negosyo ng paputok hinigpitan
NAGBABALA ang Philippine National Police (PNP) sa mga tindahan ng paputok na sumunod sa mas pinahigpit na mga patakaran kasunod nang pagsabog ng isang pagawaan sa Bocaue, Bulacan noong Oktubre. Nitong Biyernes, sinimulan ng pulisya ang pag-iinspeksiyon sa mga tindahan ng paputok sa Bulacan na nagsisimula nang magbukasan, bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili para sa Pasko at …
Read More »5 drug suspect patay sa parak sa drug den raid sa Bulacan
LIMANG hinihinalang sangkot sa droga ang napatay ng mga pulis sa operasyon sa hinihinalang drug den sa Norzagaray, Bulacan nitong Linggo ng gabi. Kinilala ng Norzagaray Police Station ang mga napatay na sina Richard Calonzo, Angel Ivano, Levi Mateo, Chito Talento at isang alyas Neneng Bokser. Ayon sa pulisya, nagsilbi ang mga operatiba ng search warrant sa Brgy. FVR dakong …
Read More »68-anyos lola ginahasa ng 47-anyos driver/helper
ARESTADO ang isang lalaki makaraan akusahan ng panggagahasa ng isang 68-anyos lola sa Sta. Maria, Bulacan. Sa ulat mula sa Sta. Maria Police, kinilala ang suspek na si Raymundo Sandico, 47-anyos, driver at helper ng biktima na isang biyuda. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente makaraan makipag-ino-man ang suspek sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Natutulog ang biktima sa …
Read More »Isang drum na shabu lumutang sa dagat ng Aurora
ISANG drum na puno ng tinatayang 40 kilo ng shabu ang natagpuang lulutang-lutang sa baybaying-dagat ng Dingalan, Aurora. Ayon sa ulat, ang drum ay natagpuan ng isang mangingisda makaraan manalasa ang bagyong Karen sa probinsiya ng Aurora nitong nakaraang linggo. Sa ngayon, ang natagpuang drum ng shabu ay dinala na sa regional office ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central …
Read More »Tulak kumasa sa buy-bust todas
PATAY ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraan kumasa sa mga pulis sa buy-bust operation dakong 7 pm kamakalawa ng gabi sa Sta. Maria, Bulacan. Sa ulat mula kay Supt. Raniel M. Valones, hepe ng Sta. Maria PNP, kinilala ang napatay na si Ramil Montaos y de Vera, 33, residente ng Brgy. Lalakhan, sa naturang bayan. Napag-alaman, nagsagawa ng buy-bust …
Read More »‘Devil’ itinuro sa Bocaue blast (Pabrika ipinasara)
NAGLABAS ng isang linggong self imposed deadline ang Bocaue, Bulacan Police para tapusin ang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog ng ilang tindahan ng paputok sa kanilang bayan, na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng mahigit 20 iba pa, habang P20 milyon ang halaga ng mga pinsala sa mga ari-arian. Ayon kay Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna, magkatuwang sa imbestigasyon ang Philippine …
Read More »Parak tigbak sa ratrat sa Bulacan (Protektor ng droga?)
ILANG araw makaraan makuhaan ng video habang gumagamit ng shabu, binaril at napatay ng riding-in-tandem ang isang pulis na sinasabing protektor ng droga sa Bulacan, kamakalawa. Kinilala ang napatay na si SPO1 Dominador Mag-uyon, nakatalaga sa naturang lalawigan. Ang biktima ay pinagbabaril ng mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Bancal, Meycauayan. ( MICKA BAUTISTA )
Read More »2 tulak bulagta sa ratrat, 5 timbog
PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis, habang lima ang naaresto sa buy-bust operation sa City of San Jose Del Monte kamakalawa. Sa ulat mula kay Supt. Wilson Magpali, hepe ng San Jose del Monte City, ang isa sa mga napatay ay kinilalang si Teodoro Fortes, pangwalo sa top 10 drug personalities sa naturang siyudad. …
Read More »Tulak patay sa ratrat
PATAY ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong kalalakihan sa Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Alvino Lucio, residente ng Pag-asa St., Brgy. Patubig sa naturang bayan, nasa drug watchlist ng barangay at pulisya. Sa ulat ng Marilao Police, tinambangan ang biktima ng motorcycle-riding gunmen habang nasa harapan ng tindahan at bumibili …
Read More »Flashfloods rumagasa sa 2 bayan sa Bulacan
BINAHA ang ilang bahagi ng Marilao at Meycauayan sa Bulacan nang rumagasa ang flashflood sa lugar, ayon kay Liz Mungcal, hepe ng Bulacan Provincial Risk Reduction and Management Council. Aniya, nagsimula ang flashflood makaraan bumuhos ang malakas na ulan sa kabundukan ng San Jose Del Monte at ito ay bumaba sa magkatabing lugar na Meycauayan at Marilao simula kamakalawa ng …
Read More »Notoryus na tulak sa Malolos ibinigti
BINIGTI ng hindi nakilalang mga suspek ang isang notoryus na tulak sa Malolos City, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula sa Malolos City Police, kinilala ang biktimang si Robert Santiago, residente ng Brgy. Lugam sa naturang lunsod. Ang biktima ay natagpuang wala nang buhay habang nakabigti at may nakalagay na karatuLang “Pusher ako, huwag tularan.” Nakalagay rin sa karatula ang iba …
Read More »4 todas sa buy-bust sa Bulacan
HUMANTONG sa shootout ang buy-bust operation na inilunsad ng pulisya na ikinamatay ng apat suspek sa City of San Jose del Monte, Bulacan nitong Miyerkoles. Sa ulat mula sa San Jose Del Monte City PNP na pinamumunuan ni Supt. Wilson Magpali, lumaban ang mga suspek sa isinagawang operasyon sa Towerville Subdivision sa Brgy. Minuyan. Ayon kay PO3 Romulo, nakatakas ang …
Read More »2 karnaper arestado
NAARESTO ng pulisya ang dalawang hinihinalang karnaper kamakalawa sa Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan. Sa ulat mula kay Supt. Reniel Valones, hepe ng Sta. Maria PNP, kinilala ang naarestong mga suspek na sina Jay-R Salvador, 33, at Joel Hernandez, 42, kapwa residente sa naturang barangay. Unang sinalakay ng pulisya ang bahay ni Salvador sa Garden Village Subdivision at natagpuan …
Read More »2 pa itinumba sa Bulacan
NADAGDAGAN pa ang kaso nang pagpatay ng nakilalang mga salarin sa sinasabing mga sangkot sa ilegal na droga sa City of San Jose del Monte, Bulacan at karatig-bayan. Dakong 9:30 pm nang pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo si alyas Michael sa CSJD, Bulacan. Habang natagpuan ang bangkay ng isang Renato Nicolas, 32, sa madamong bahagi ng Garden Village, …
Read More »EJKs sa CSJDM itinanggi ng Bulacan PNP
MARIING itinanggi ni PNP Bulacan Provincial Director, Senior Superintendent Romeo Caramat na may kinalaman ang mga pulis sa sunod-sunod na pagdukot at pamamaslang sa mga residente ng City of San Jose Del Monte (CSJDM). Ayon kay Caramat, inatasan niya ang mga tauhan na patindihin pa ang pagbabantay at pagmamanman upang mahuli ang nasa likod ng mga pagpatay sa mga taong …
Read More »2 dalagita niluray ng pastor na guro
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang pastor na guro makaraan ireklamo ng panggagahasa ng dalawang menor de edad sa Guiguinto, Bulacan. Ayon sa ulat ng pulisya, paulit-ulit na ginahasa ng suspek na si Moses Alano ang dalawang biktimang nakatira sa paaralan na pinagtuturuan ng pastor. Sa imbestigasyon ng Guiguinto police, lumilitaw na si Alano ang tumatayong guardian ng mga biktima …
Read More »2 TULAK TIGBAK SA POLICE ENCOUNTER
PATAY ang dalawang hinihinalang mga tulak makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa mga bayan ng San Miguel at Norzagaray sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Kinilala ni Senior Supt. Romeo Camat, Acting Bulacan police director, ang isa sa dalawang napatay na si Mark Anthony Reyes, residente ng San Miguel. Nabatid sa ulat, tumanggi si Reyes na huminto sa itinalagang police checkpoint, …
Read More »7 dinukot natagpuang patay (Sa CSJDM, Bulacan)
NATAGPUAN ng mga awtoridad ang pitong bangkay ng pinaniniwalaang mga biktima ng summary executions sa iba’t ibang barangay sa San Jose del Monte, Bulacan. Sinasabing kamakalawa ng gabi pinatay ang mga biktima na kinabibilangan ng anim lalake at isang babae. Paawang nakatali ng packaging tape ang mga biktima at may karatulang nagsasabing sangkot sila sa illegal na droga. Inihayag ng …
Read More »Binatilyo pinugutan ng adik na tiyuhin
PINUGUTAN ng adik na tiyuhin ang isang 14-anyos binatilyo kamakalawa sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte City, Bulacan. Sa ulat mula kay Supt. Wilson Magpili, hepe ng Jose del Monte City Police, kinilala ang biktimang si Jeric Boyoc, residente ng Brgy. Minuyan Proper. Habang agad naresto sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek na si Romelito Arroyo, …
Read More »Tulak na driver todas sa buybust
NAPATAY sa buy-bust operation ang isang jeepney driver na sinasabing nagbebenta ng illegal na droga sa apat na bayan sa Bulacan. Batay sa ulat, lulan ng kanyang jeep, napatay ang suspek na si Jimmy Boy Gruta sa bayan ng Sta. Maria, nang mahalatang pulis ang katransaksiyon at lumaban sa mga awtoridad. Ayon sa pulisya, naglalako ng droga ang suspek habang …
Read More »Utol ni Tesdaman proklamadong mayor sa Bocaue sa toss coin
NAIPROKLAMA na ang mayoralty candidate sa Bocaue, Bulacan na nanalo sa pamamagitan ng toss coin. Ito’y makaraang magtabla ang dalawa sa tatlong kandidato roon na sina Jim Valerio at Joni Villanueva na nakakuha ng tablang boto na 16,694. Bunsod nito, nagdesisyon ang Comelec officer na idaan na lamang ang laban sa toss coin para maideklara na ang nanalong kandidato. Sa …
Read More »6 tiklo sa sinalakay na drug den sa Obando
ARESTADO ang anim katao makaraan salakayin ng mga awtoridad ang hinihinalang drug den na minamantine ng binansagang ‘Oca drug group’ kamakalawa sa Obando, Bulacan. Sa ulat mula kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 Office Director Gladys F. Rosales, kinilala ang naarestong mga suspek na sina Ronquillo R. San Diego alyas Oca, 52, itinuturong lider ng grupo; Erwin Sotto, …
Read More »