Sunday , July 21 2024
arrest prison

Most wanted ng Central Luzon tiklo sa Zambales

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) ng Central Luzon sa inilatag na manhunt operation ng nga awtoridad sa bayan ng Castillejos, lalawigan ng Zambales, nitong Martes, 31 Agosto.

Batay sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, nagsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng 305th Maneuver Company, 2nd Platoon, RMFB3, Subic MPS, 2nd PMFC Zambales PPO, Castillejos MPS, PDEU Zambales at PIU Zambales sa Brgy. San Agustin, sa naturang bayan.

Nadakip sa operasyon ang suspek na kinilalang si Mark Rae Lapid, 33 anyos, binata, residente sa Brgy. Cawag, Subic, Zambales, itinuturing na isa sa most wanted persons ng rehiyon.

Nabatid na may standing warrant of arrest si Lapid sa kasong paglabag sa Section 8 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ni Presiding Judge Raymond Viray ng Olongapo City RTC Branch, may petsang 20 Oktubre, 2020, walang itinakdang piyansa. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

League of of the Cities of the Philippines LCP

Kahit suspendidong mayor
RAMA NANINDIGANG LCP PRESIDENT PA RIN

NANINDIGAN si Cebu City Mayor Michael Rama na siya pa rin ang Pangulo ng League …

SJDM Bulacan

Pabrika sa Bulacan bistado, mga trabahador undocumented at tourist visa lang ang hawak

BISTADO ang isang pabrika sa Bulacan na may mga nagtatrabahong Chinese nationals kahit undocumented at …

Ruffy Biazon iRespond Muntinlupa

Safety is just a tap away — Biazon   
iRESPOND INILUNSAD NG MUNTINLUPA CITY

PARA matiyak ang mas mabilis na pagtugon sa panahon ng sakuna, inilunsad ng Muntinlupa ang …

Multinational Village

Writ of Execution ng DHSUD bigong ipatupad ng pulisya

NAWALAN NG SAYSAY ang ipinalabas na Writ of Execution ng Department of Human Settlement and …

Collectors Con Year 2 Funkos The Block Atrium SM North EDSA

Collectors Assemble: Collectors Con Year 2 brings Exclusive Drops, Limited-editions and Supersized Funkos

Promising the ultimate collector’s adventure in the North, Collectors Con is back at The Block …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *