Wednesday , July 24 2024
shabu

P3.4-M shabu kompiskado sa big time tulak ng CL tiklo sa Maynila

NADAKIP ANG isang pinaniniwalaang big time drug peddler sa ikinasang drug sting ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakakompiska ng milyon-milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang Chinese national nitong Sabado ng tanghali, 28 Agosto, sa Sta. Ana, Maynila.

Naikasa ang operasyon sa pamamagitan ng mag­ka­sanib na pagsi­sikap ng mga operatiba mula sa PDEA Central Luzon, PDEA Manila District Office, at lokal na pulisya.

Sa ulat na ipinadala kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, kinilala ni PDEA-3 Regional Director Bryan Batang ang naarestong suspek na si Herwin Tee, Chinese national, 38 anyos, residente sa Sta. Ana, Maynila.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong nakataling selyadong plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na halos 500 gramo at tinatayang nagkakahalaga sa Dangerous Drug Board (DDB) ng P3,400,000; at buy bust money.

Ayon kay Batang, sangkot si Tee sa pagkakalat ng bulto-bultong shabu sa Bulacan at mga kalapit-bayan sa Pampanga at nasa kanilang radar na simula pa noong Hulyo ng nakaraang taon.

Nakatakdang sampa­han ng kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (M. BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sonny Angara DepEd

Panawagan kay Angara
SUWELDO NG MGA GURO ITAAS, ‘KORUPSIYON’ SA DepEd DAPAT TUGUNAN — TINIO

NANAWAGAN si dating ACT Teachers Rep. Antonio “Tonchi” Luansing Tinio kay bagong-upong Department of Education …

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and …

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

prison

300 PDLs mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan

INILIPAT ang may 300 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *