PINAGDADADAMPOT ang siyam katao dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas sa pagpapatuloy ng operasyon laban sa krimen ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 6 Nobyembre. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang limang suspek sa anti-illegal drug operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) …
Read More »Kapitan sa Jaen, Nueva Ecija, patay sa pamamaril
IPINAG-UTOS ni PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Matthew Baccay ang lubusang imbestigasyon at malalimang pagsisiyasat hinggil sa pamamaril na naging sanhi ng kamatayan ng isang barangay chairperson sa bayan ng Jaen, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 6 Nobyembre. Kinilala ni P/BGen. Baccay ang namatay na biktimang si Zoilo De Belen, 56 anyos, may asawa, residente at kapitan sa Brgy. …
Read More »Pagbabakuna sa kabataan sinimulan na sa Bulacan
SINIMULAN ng lalawigan ng Bulacan ang pagbabakuna sa500,000 populasyon ng kabataan na may edad 12-17 anyos sa Bulacan Provincial CoVid-19 vaccination site, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa lungsod ng Malolos, nitong Miyerkoles ng umaga, 3 Nobyembre. Personal na binisita ni Gob. Daniel Fernando ang vaccination site upang makita ang simula ng pagbabakuna sa Pedia A3 o mga batang may …
Read More »SEPS Online ng Bulacan, waging Best in LGU Empowerment sa DGA 2021
INIUWI ng Socio Economic Profile System (SEPS) Online ng lalawigan ng Bulacan ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) sa ginanap na virtual na Digital Governance Award 2021 sa pamamagitan ng Zoom noong nakaraang Biyernes, 29 Oktubre. Tinanggap ni Gob. Daniel Fernando, kinatawanan ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia Constantino, kasama sina Inh. Rhea Liza Valerio, …
Read More »
Sa 2 araw na police ops
17 LAW VIOLATORS NASAKOTE SA BULACAN
NAGRESULTA sa pagkakadakip ng 17 kataong pawang may paglabag sa batas ang mas pinaigting na kampanya ng Bulacan PNP laban sa mga kriminal nang magsagawa ang mga awtoridad ng police operations sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong 2-3 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., provincial director ng Bulacan PPO, nabatid na 12 drug …
Read More »Central Luzon’s Top 1 MWP arestado sa Laguna
DINAKIP ng mga awtoridad nitong Martes, 2 Nobyembre, ang itinuturing na top 1 most wanted person ng Central Luzon sa isinagawang manhunt operation sa lungsod ng Sta. Rosa, lalawigan ng Laguna, sa pagpapatuloy ng pagtugis ng pulisya laban sa wanted criminals. Sa ulat na ipinadala ni P/Col. Renante Cabico, provincial director ng Tarlac PPO, kay P/BGen. Matthew Baccay, PRO3 regional …
Read More »P/BGen. Baccay itinalagang bagong Top Cop ng Region 3
IPINAGKATIWALA ni P/BGen. Valeriano De Leon ang kanyang puwesto bilang PRO3 Regional Director kay P/BGen. Matthew Baccay, nitong Lunes, 1 Nobyembre. Idinaos ang Change of Command Ceremony sa PRO3 Grandstand, Camp Olivas, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga na pinangunahan ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eeazar. Dating nakatalaga si P/BGen. Baccay sa PRO3 bilang hepe ng Comptrollership Division …
Read More »Sex videos, nude photos bantang ikalat, kelot ipinadakip ng ex-GF
ARESTADO ang isang lalaki sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo ng hapon, 31 Oktubre, matapos ireklamo ng dating nobya na kanyang pinagbabantaang ikakalat ang kanilang mga sex video at hubad na larawan. Kinilala ang suspek na si Aldrin Dale Pingon, residente sa Brgy. Canalate, Malolos, na inaresto ng mga tauhan ng Hagonoy Municipal Police Station (MPS) sa …
Read More »
Sa Bansalan, Davao del Sur
REPORTER BINARIL TODAS SA LOOB NG APARTMENT
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang mamamahayag nang barilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng isang apartment sa bayan ng Bansalan, lalawigan ng Davao del Sur, nitong Sabado ng gabi, 30 Oktubre. Kinilala ni P/Maj. Peter Glen Ipong, hepe ng Bansalan police, ang biktimang si Orlando “Dondon” Dinoy, pinatay sa loob ng kanyang apartment/boarding house sa Mother Ignacia St., …
Read More »
Baril, shabu kompiskaso
HVT ARESTADO SA ZAMBALES
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng nakatala bilang high value target (HVT) sa bayan ng Iba, lalawigan ng Zambales, nitong Linggo, 31 Oktubre. Ayon sa ulat na ipinadala ni P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, kay P/BGen. Valeriano De Leon, PRO3 Regional Director, nagtungo ang mga operatiba ng 305th Maneuver Company RMFB3 at PIU ZPPO sa …
Read More »Top 4 MWP ng Zambo del Norte nasakote sa Bulacan
NADAKIP ang itinuturing na pang-apat na most wanted person (MWP) ng Leon Postigo, Zamboanga Del Norte sa inilatag na manhunt operation ng pulisya sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 1 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang nadakip na suspek na si Jonathan Ambang Sangcom na …
Read More »Bulacan 911, maaari nang tawagan para sa emergency cases
OPERASYONAL na at maaari nang tumawag sa emergency hotline 911 ang mga Bulakenyo para sa anomang uri ng emergency na nangangailangan ng agarang tugon matapos pormal na ilunsad ang Bulacan 911 nitong Linggo ng umaga, 31 Oktubre, sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos. Sinabi ni Gob. Daniel Fernando, matapos ang matagal na paghihintay, mabilis at madali nang makatatawag …
Read More »
Handog ni Mayor Boy Cruz tinanggap ni Konsehal Cris Castro
2 AMBULANSIYA SA 2 BARANGAY NG PANDI, BULACAN
MASAYANG TINANGGAP ni Pandi Councilor Cris Castro nitong nakaraang 24 Oktubre 2021 ang dalawang ambulansiya na ipinagkaloob ni Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz para sa dalawang barangay ng naturang bayan, sa lalawigan ng Bulacan. Sa pagsuporta ni Mayor Boy Cruz, na tatakbong congressman sa ikalimang distrito ng Bulacan, isinabay na rin ang isang medical mission sa mga barangay ng Cacarong Bata …
Read More »Motornapper ng Bulacan tiklo sa Pampanga
BUMAGSAK sa kamay ng batas ang isang kawatan ng motorsiklo sa Bulacan na kabilang sa most wanted persons (MWPs) ng Region 3 sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Brgy. Niqui, bayan ng Masantol, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 30 Oktubre. Ayon kay P/BGen. Valeriano De Leon, regional director ng PRO3 PNP, kinilala ang suspek na si Roell Guintu, nakatala bilang pang-37 Regional …
Read More »Paninira sa panahon ng halalan, ‘wag patulan — Angat VM
SA MENSAHE sa Facebook na inilahad ni Vice Mayor Jowar Bautista, tatakbong alkalde ng bayan ng Angat, sa lalawigan ng Bulacan, kanyang sinabing hindi niya pinapatulan ang mga paninira na walang kabuluhan lalo kung mga fictitious o dummy accounts ang nagbabato nito. Kasunod ito ng bintang na siya ang nasa likod ng mga paninira sa kanyang kalaban sa mayoralty race na …
Read More »
Bulacan PNP handa sa Undas
HIGIT 636 PULIS, 706 FORCE MULTIPLIERS IDE-DEPLOY
HANDA na ang Bulacan PNP sa taunang paggunita ng Undas na inaasahang daragsain ng malaking pulutong ng mga tao kahit nasa gitna ng pandemya ng CoVid-19 upang gunitain ang kanilang namayapang mga mahal sa buhay. Ayon kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PPO, mahigit 636 police officers at 706 force multipliers ang ide-deploy sa iba’t ibang …
Read More »
Sa Pampanga
2 PUGANTE NASAKOTE SA MABALACAT CITY
NAHULOG sa kamay ng mga alagad batas ang dalawang pugante nitong Miyerkoles, 27 Oktubre, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga na malaon nang pinaghahanap ng batas. Batay sa ulat ni P/Col. Robin Sarmiento, acting provincial director ng Pampanga PPO, nagsagawa ng manhunta operation ang magkasanib na elemento ng Mabalacat CPS, 302nd MC RMFB3 3rd Platoon Polar Base, at 2nd …
Read More »2-M dosis ng CoVid-19 vaccine naiturok na sa lalawigan ng Bulacan
NAKAPAGBAKUNA na ang lalawigan ng Bulacan ng kabuuang bilang na 2,009,498 dosis ng bakuna ng CoVid-19 batay sa tala ng Provincial Health Office – Public Health noong 25 Oktubre 2021. Sa numerong ito, 1,123,117 ang itinurok para sa unang dose; at 886,381 ang kompleto na ang bakuna laban sa CoVid-19. Ang mga may kompletong bakunang indibidwal ay bumubuo sa 34 …
Read More »Most wanted rapist ng Malolos timbog
NASAKOTE ang itinuturing na most wanted person (MWP) ng lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan sa inilatag na manhunt operation ng pulisya kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Col. Manuel Lukban, Jr., provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Aldwin Bernardino, alyas Alphine, residente sa Brgy. Caingin, sa naturang lungsod. Batay sa ulat, nakorner si alyas Alphine sa …
Read More »
Habang nanghuhuli ng dagang-bukid
7-ANYOS TOTOY NAATRASAN NG TRAKTORA PATAY
NAUWI sa trahedya ang masayang panghuhuli ng dagang-bukid ng isang batang lalaki, kasama ang ilang kaibigan, nang maatrasan ng isang traktorang pang-ani at bawian ng buhay sa bayan ng Ramos, sa lalawigan ng Tarlac. Sa ulat, kinilala ang biktimang si Prudencio Mangaoag, Jr., 7 anyos, residente sa Brgy. Panse, sa nabanggit na bayan. Nabatid na may kasamang ibang bata ang …
Read More »
Sa Angeles City, Pampanga
DRUG DEN SINALAKAY NG PDEA, 7 TIMBOG
SINALAKAY ng mga operatiba mula sa PDEA Central Luzon ang isang pinaniniwalaang drug den, na ikinaaresto ng pito katao sa lungsod ng Angeles, sa lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng tanghali, 22 Oktubre. Nagresulta ang operasyon sa pagkakakompiska ng P102,000 halaga ng hinihinalang shabu kasunod ng ikinasang entrapment operation sa Brgy. Pandan, sa naturang lungsod. Kinilala ni PDEA 3 Director …
Read More »Kanang kamay ng gang leader tiklo, 4 pa nasakote
NADAKIP ng mga awtoridad ang tumatayong kanang-kamay ng lider ng Serrano Crime Group habang inaresto ang apat na iba pa dahil sa paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 23 Oktubre. Sa ulat kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang arestadong suspek na si Kart Vergara, residente ng Brgy. Tinejero, sa bayan …
Read More »231 bagong recruits sa PRO3 PNP nanumpa sa katungkulan
PINANGASIWAAN ni PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong kaanib ng Philippine National Police kasunod ng pagpapakilala ni P/Col. Joyce Patrick Sangalang, hepe ng Regional Personnel and Records Management Division, nitong Biyernes ng umaga, 22 Oktubre, sa PRO3 Grandstand, Camp Olivas, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga. Pupunuin ng 231 matatagumpay …
Read More »
Sa Pandi, Bulacan
AYUDA NG LAG KINOLEKTA NG ‘DI-REHISTRADONG KOOPERATIBA
INATASAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Magic 7 Cooperative na nakabase sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan, na ibalik ang mga kinolektang pera na nagkakahalaga ng hanggang P10,000 sa bawat benepisaryo ng Livelihood Assistance Grant (LAG). Ang LAG ay ang P15,000-ayuda ng pamahalaan kada kalipikadong indibiduwal na naapektohan ang hanapbuhay dahil sa pandemyang dulot …
Read More »911 emergency call center, ilulunsad sa Bulacan
GAGANAPIN sa darating na Huwebes, 28 Oktubre, ang paglulunsad ng 911 Emergency Hotline sa Bulacan Capital Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, na layuning palakasin ang proyektong Bulacan Rescue na aalalay sa mga Bulakenyo sa panahon ng sakuna. Maaari nang itawag ang mga emergency kabilang ang medikal, (atake sa puso, stroke atbp.), aksidente, sunog, gumuhong gusali, at mga natural na sakuna …
Read More »