MULING nagsagawa ng ibayong kampanya laban sa kriminalidad ang pulisya sa lalawigan ng Bulacan, na nagresulta sa pagkakadakip sa 12 pasaway ang naaresto sa iba’t ibang bayan hanggang nitong Martes ng umaga, 5 Oktubre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, sangkot sa ilegal na droga ang anim sa nadakip na mga suspek. Nadakip …
Read More »CoVid-19 patients, nasa house quarantine (Sa Nueva Ecija)
HINIMOK ng lokal na Inter-Agency Task Force sa Nueva Ecija ang mga alkalde nito na paigtingin ang kanilang quarantine facilities para maiwasan ang pagdami ng bilang ng mga residente na may CoVid-19 at naka-home quarantine. “‘Yung mayors, I believe they are doing their best. Mahirap lang talagang i-manage nang basta-basta dahil parang sampal sa atin itong CoVid na ito na …
Read More »Bilang ng Dengue casualties tumaas (Sa Subic, Zambales)
MAS marami ngayon ang bilang ng mga namamatay sa dengue sa bayan ng Subic, sa lalawigan ng Zambales kompara sa nakalipas na taon. Batay sa datos ng Municipal Health Office, mula nitong Enero hanggang Setyembre ay umabot sa 13 ang namamatay sa nasabing sakit na mas mataas kompara sa walo noong 2019. Sinabi ni Municipal Health Officer, Dr. Nadjimin Ngilay, …
Read More »P32-M pekeng sigarilyo nasamsam (Bodega sinalakay Sa Bulacan)
NAKOMPISKA ang higit sa P32-milyong halaga ng pekeng mga sigarilyo nang salakayin ng mga awtoridad ang isang bodega sa bayan ng Balagtas, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 3 Oktubre. Ikinasa ang raid ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group 3 (PNP-CIDG 3) sa bodegang matatagpuan sa Zone 6, By-pass Road, Brgy. Borol 2nd, sa nabanggit na bayan dakong …
Read More »3-anyos bata ginahasa, ex-brgy. Chair timbog
ARESTADO ang isang dating kapitan ng barangay na kabilang sa listahan ng top most wanted persons ng Zambales sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa naturang lalawigan, nitong Linggo, 3 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, kinilala ang suspek na si Angel Cabbab, 74 anyos, dating kapitan ng barangay at residente …
Read More »MWP ng Gapan tiklo sa loob ng Batangas jail
NASUKOL ang top 13 most wanted person ng lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija, nang isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa akusado sa loob ng pasilidad ng BJMP sa lungsod ng Lipa, lalawigan ng Batangas, nitong Linggo ng umaga, 3 Oktubre. Ayon kay P/Col. Rhoderick Campo, OIC provincial director ng Nueva Ecija PPO, inihain ng …
Read More »13 Chinese nationals kalaboso (Sa ilegal na online modus)
INARESTO ng mga awtoridad ang 13 Chinese nationals na nagpapatakbo ng ilegal na online activities sa operasyong ikinasa sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 3 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Rommel Batangan, direktor ng Angeles City Police Office, inihain ng mga operatiba ng CIDG CFU Angeles at CIDG PFU Pampanga dakong 4:30 pm kamakalawa, ang warrant …
Read More »‘Mother and son tandem’ tiklo sa droga (Sa Zambales)
NABUWAG ang operasyon ng mag-inang pinaniniwalaang kapwa high-profile personalities at nasa klasipikasyon na Regional Level Drug Watch List nang maaresto ng mga awtoridad sa anti-illegal drug operation sa Subic, lalawigan ng Zambales, nitong Sabado, 3 Oktubre. Batay sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, dakong 1:45 am kamakalawa nang magkasa ang mga operatiba ng …
Read More »Anomalya ‘di politika dapat tutukan ng Task Force LAG (Sa Pandi, Bulacan)
NARARAPAT tutukan ng Task Force LAG ni Pandi Mayor Rico Roque ang pagpapalutang ng katotohanan kung may naganap ngang anomalya sa likod ng reklamo tungkol sa pagbabawas ng P5,000 hanggang P10,000 sa Livelihood Assistance Grant (LAG) imbes na palutangin ang usapin ng politika. Ito ang pahayag ni Pandi Councilor Cris Castro kasunod ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa imbestigasyon ng …
Read More »Konsehal ng Pandi, Bulacan, nagpasoklolo kay LMP President Ambrosio Cruz
MAGKASAMANG humarap sa media sina LMP President Mayor Ambrosio Cruz at Pandi Councilor Cris Castro upang magpaliwanag tungkol sa sinasabing usapin ng anomalya sa Livelihood Assistance Grant (LAG) sa Pandi, Bulacan. (MICKA BAUTISTA) UMAPELA ng tulong kay League of Municipalities in the Philippines (LMP) President Mayor Ambrosio Cruz si Konsehal Cris Castro ng Pandi, Bulacan kaugnay sa mapanirang paratang laban …
Read More »70-anyos tulak, ‘Boss’ timbog sa Marikina; 11 ‘suki’ timbog sa pot session
NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang 70-anyos lolo, hinihinalang tulak, ang kanyang kasabwat, at 11 nilang ‘parokyanong’ huli sa aktong sumisinghot ng droga sa lungsod ng Marikina, nitong Sabado, 25 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina PNP, ang mga nadakip na sina Exequiel Bautista, 70 anyos; Jeffrey Moquite, 30 anyos, alyas Boss, hinihinalang mga tulak; at Brandon …
Read More »1K manggagawa sa konstruksiyon at manupaktura binakunahan (Sa Bulacan)
NAUNA nang binakunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang 1,000 manggagawa sa industriya ng konstruksiyon at manupaktura ng Sinovac vaccine bilang bahagi ng 10,000 target mabakunahan kaugnay ng pangako ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force na mapadali para sa mga manggagawa sa ilalim ng proyektong Reform. Rebound. Recover: 1 Million Jobs for 2021. Sa ginanap na paglulunsad ng …
Read More »Pugante, 9 taon nagtago, nasukol sa Zambales
NADAKIP ng mga awtoridad nitong Sabado, 25 Setyembre, ang itinuturing na most wanted person ng Botolan, Zambales, sinabing siyam na taon nagtago sa batas. Ayon kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, nagsagawa ng manhunt operation ang magkatuwang na puwersa ng Botolan MPS, Sta. Cruz MPS, 1st PMFC ZPPO, at 305th MC, RMFB3 sa Shang Fil Port na matatagpuan …
Read More »Bulacan, DOLE sanib-puwersa para sa ayuda (Para sa higit 400 benepisaryo)
SA PANGUNGUNA ng Department of Labor and Employment (DOLE) at sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO), nabigyan ang 497 Bulakenyo ng ayuda at tulong pangkabahuhayan. Sa idinaos na Singkaban Festival kamakailan, nakapaloob rito ang mga programa ng DOLE at PYSPESO na 227 ang napagkalooban ng Tulong Panghanapbuhay …
Read More »Miyembro ng Ramat Drug Group timbog (Sa Zambales)
NASAKOTE ng mga awrtoridad sa inilatag na manhunt operation ang isang pinaniniwalaang miyembro ng notoryus na drug group sa bayan ng Castillejos, lalawigan ng Zambales, nitong Martes, 21 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, kinilala ang naarestong akusadong si Jimmy Aglibot, alyas Jim, 55 anyos at residente sa Purok 4, Brgy. San …
Read More »6 lineman, 4 pa arestado sa nawawalang telephone wires (Sa Marilao, Bulacan)
NALUTAS ng mga awtoridad ang talamak na nakawan ng mga kable ng telepono sa lalawigan ng Bulacan nang madakip ang anim kataong may pakana nito sa bayan ng Marilao. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Rolando Gutierrez, hepe ng Marilao Municipal Police Station (MPS) kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga naarestong suspek na …
Read More »NPA finance officer timbog sa Bulacan
IPINAHAYAG ni PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon na nadakip ng mga awtoridad ang top 1 most wanted person sa talaan ng PNP-PRO13 sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 19 Setyembre. Kinilala ang suspek na si Ma. Lorena Sigua, 44 anyos, iniulat na finance officer ng New People’s Army (NPA), kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Muzon, lungsod ng San Jose …
Read More »2 timbog sa illegal logging sa Ipo Dam gate sa Bulacan
NASAKOTE ang dalawa kataong hinihinalang sangkot sa illegal logging sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 19 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, ang mga suspek na sina Jennifer Sarandona at Renato Patulot, kapwa residente sa Ipo Rd., Brgy. San Mateo, sa naturang bayan. Batay …
Read More »Cessna 125 plane bumagsak sa Bulacan (Imbestigasyon ipinag-utos ng PRO3-PNP)
INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng isang Cessna 152 plane sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes ng umaga, 17 Setyembre. Ayon kay P/BGen. Valeriano De Leon, regional director ng PRO3-PNP, lumipad sa direksiyon ng timog ang two-seater plane mula sa Plaridel Airstrip runway lulan ang pilotong si Paul Jemuel Gayanes at pasaherong …
Read More »Kawatan sa Nueva Ecija todas sa enkuwentro
NAPASLANG ang isang lalaking hinihinalang magnanakaw sa isang hot pursuit operation na isinagawa ng pulisya na nauwi sa enkuwentro sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Biyernes ng gabi, 17 Setyembre. Batay sa ulat ni P/Col. Rhoderick Campo, OIC provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagkasa ang mga operatiba ng San Jose City Police Station ng pagpapatrolya …
Read More »28 arestado sa Bulacan (Sa patuloy na anti-crime drive)
HALOS mapuno ang mga kulungan sa Bulacan nang sunod-sunod na maaresto ang 28 kataong pawang lumabag sa batas sa anti-crime drive ng pulisya sa lalawigan hanggang nitong Linggo ng umaga, 19 Setyembre. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang walong suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng mga operatiba ng Station …
Read More »Mga Bulakenyo, may 11 araw pa para magparehistro
MAY nalalabi pang 11 araw upang magparehistro ang mga Bulakenyo bago ang huling araw ng pagpaparehistro sa 30 Setyembre. Nanawagan si Gob. Daniel Fernando sa lahat ng mga Bulakenyong hindi pa rehistrado na kunin ang pagkakataong gamitin ang kanilang karapatang pumili ng mga susunod na mamumuno sa lalawigan ng Bulacan at sa bansa. “Sa mga hindi pa nakapagpaparehistro, magparehistro na …
Read More »23 pasaway sa Bulacan sa kalaboso bumagsak
INARESTO ang pitong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, 14 sugarol, at dalawang iba pa sa sunod-sunod na operasyong inilatag ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan simula noong Lunes, 13 Setyembre, hanggang Martes, 14 Setyembre. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nasakote ang pitong drug suspects sa buy bust operations na ikinasa ng Station Drug …
Read More »Alkalde sa Bulacan positibo sa CoVid-19
INIANUNSIYO ni Mayor Cipriano Violago, Jr., ng San Rafael, Bulacan sa kanyang Facebook account na siya ay positibo sa CoVid-19. Ayon sa alkalde, ilang araw na siyang nakararamdam ng flu-like symptoms kung kaya agad siyang sumailalim sa RT-PCR test. Pahayag ni Violago, naka-quarantine na siya simula nang magkaroon ng sintomas pero patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa Municipal Health Office. Aniya, “Sa …
Read More »Manyakis ng Bataan, nakorner sa Caloocan
NADAKIP sa pinagtataguan sa Caloocan City ang isang lalaking nakatala bilang top 7 most wanted person ng Bagac, Bataan nitong Lunes, 6 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Joel Tampis, acting provincial director ng Bataan PPO, nagkasa ang magkasanib na puwersa ng Bagac Municipal Police Station (MPS), 2nd PMFC Bataan PPO, at Northern Police District DDEU ng manhunt operation sa …
Read More »