Monday , August 15 2022
prison rape

Most wanted rapist ng CamSur timbog sa San Rafael, Bulacan

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatalang wanted person ng Camarines Sur dahil sa kasong panggagahasa nitong Martes, 5 Hulyo, sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang arestadong suspek na si Bertito, alyas Tot, 58 anyos, nasukol sa kanyang pinagtataguan sa Sitio Bacood, Brgy. Tambubong, sa nabanggit na bayan.

Dinakip si alyas Tot, nakatala bilang top 5 most wanted person sa Camarines Sur, ng pinagsanib na puwersa ng San Rafael MPS, San Ildefonso MPS, at Minabac (Camarines Sur) MPS, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape na inilabas ni Presiding Judge Agaton Fajardo ng Naga City RTC Branch 28, walang itinakdang piyansa.   

Napag-alamang matapos sampahan ng kasong panggagahasa sa Camarines Sur ay nagpakatago-tago sa batas ang suspek hanggang matunton ng mga awtoridad sa Bulacan na nagresulta sa kanyang pagkaaresto. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

Bulacan, kaisa sa paghubog ng mga lider para sa susunod henerasyon

BILANG PAKIKIBAHAGI sa bansa sa obserbasyon ng Linggo ng Kabataan 2022, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan …

arrest posas

Kumagat sa pain
TULAK TUWING MADALING ARAW TIMBOG SA PARAK

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy …

prison rape

Lolong manyakis naihoyo sa Zambales

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang matandang lalaking may kasong panggagahasa sa inilatag na manhunt …

Dalagita nasagip sa cybersex den 3 suspek arestado

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang isang babaeng menor de edad mula sa isang cybersex den …

Road Expressway

Para sa mas mabilis na biyahe
CAVITEX C5 LINK FLYOVER EXTENSION BINUKSAN NA 

INIANUNSYO ng Toll Regulatory Board (TRB) ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP) kasama …