Wednesday , July 17 2024

Puganteng estapador, 4 pa nasakote sa Bulacan

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang lima kataong kinabibilangan ng isang estapador na malaon nang pinaghahanap ng batas sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan mula Sabado, 28 Agosto, hanggang Linggo ng umaga, 29 Agosto.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang puganteng estapador na si Eduardo Bernardo, residen­te sa Brgy. Malipam­pang, bayan ng San Ildefonso, sa naturang lalawigan.

Nadakip si Bernardo ng mga operatiba ng Bulacan CIDG PFU at San Ildefonso Municipal Police Station sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Swindling o Estafa (RPC Art. 315 as amended by P.D 1689).

Kasunod nito, naaresto rin ng mga awtoridad ang apat pang suspek sa kanilang pagresponde sa iba’t ibang krimen sa mga lugar na nasasakupan ng Sta. Maria, Bocaue, at Bustos Municipal Police Stations.

Kinilala ang mga suspek na sina Rizalito Obrado at isang CICL (child in conflict with the law) na hindi pinangalanan, kapwa mga residente sa Brgy. Masuso, Pandi na inaresto ng mga tauhan ng Sta. Maria MPS sa kasong Theft; Marlon Angeles ng San Juan Bautista, Brgy. Betis, Guagua, Pampanga, dinampot ng mga operatiba ng Bocaue MPS sa kasong Estafa; at Argel Joseph Francisco ng Brgy. Sabang, Baliwag, arestado ng Bustos MPS sa kasong Psychological Abuse kaugnay sa R.A. 7610 at Grave Threat.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

21 Mobile Primary Clinic ipinagkaloob ikinalat sa Gitna at Hilagang Luzon

21 Mobile Primary Clinic ipinagkaloob ikinalat sa Gitna at Hilagang Luzon

IPINADALA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pamamagitan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang 21 …

Sa Bataan LOLONG TULAK, 2 GALAMAY TIKLO SA BUYBUST

Sa Bataan
LOLONG TULAK, 2 GALAMAY TIKLO SA BUYBUST

NADAKIP ang isang senior citizen na sangkot sa ilegal na droga at dalawa niyang kasabwat …

Sa Bulacan 7 SUSPEK SA DROGA, 2 KAWATAN TIMBOG

Sa Bulacan
7 SUSPEK SA DROGA, 2 KAWATAN TIMBOG

ARESTADO ang pitong indibidwal na pinaghihinalaang pawang mga sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga, …

shabu drug arrest

Sa crackdown ng PRO3  
4 DAYUHAN, 1 TULAK NASAKOTE SA DROGA

NASUKOL ng mga awtoridad ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kinabibilangan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *