Thursday , June 4 2026

Bumuhos suporta kay Mar

ISANDAAN at walumpo’t isa (181) bagong miyembro ng Partido Liberal ang sumumpa ng kanilang suporta para sa Daang Matuwid kamakailan sa headquarters ng LP sa Cubao, Quezon City.

Ang mga bagong miyembro ay kinabibilangan ng mga congressman, mayor at kapitan ng barangay mula sa iba’t ibang panig ng bansa, patunay lamang ng patuloy na paglakas ng LP, ang pinakamalaking partidong politikal sa bansa.

Si Interior Secretary Mar Roxas mismo ang sumalubong sa mga bagong miyembro ng LP, bilang standard bearer at personal na pambato ni Pangulong Noynoy Aquino sa darating na halalan sa 2016.

“Ang partidong kinabibilangan natin ay may tinatayuang mga matibay  na mga prinsipyo,” sabi ni Roxas sa kanyang talumpati sa kanyang mga bagong kapartido. Kahit sa mga pagsubok na dumaan ay hindi natinag ang LP, kahit nung panahong oposisyon pa ito. “Hindi natinag, hindi tumiklop ang pinanghahawakan nating prinsipyo,” dagdag ni Roxas.

Mahaba at makulay ang naging kasaysayan ng Partido Liberal, simula pa lamang noong Martial Law kung saan pinangunahan ni Sen. Ninoy Aquino at Sen. Gerry Roxas, ama ni PNoy at Secretary Mar, ayon sa pagkakasunod, ang laban sa diktadurya ng pamilyang Marcos. Noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nasa bakod ng oposisyon ang mga nakababatang Aquino at Roxas.

Pati mga civil society organizations (CSO) ay nagbigay suporta narin sa pagtakbo ni Roxas sa 2016. Mahigit na 500 civil society organizations mula sa mga sektor ng magsasaka, mangingisda, maralitang tagalunsod, persons with disability, kababaihan, kabataan, indigenous people, mga guro, retiradong pulis at sundalo, overseas Filipino workers at seafarers ang bumuo sa mga sumali sa “Bet Ko Si Mar.” Napuno ang Bahay ng Alumni sa Unibersidad ng Pilipinas ng mga 1,500 na dumalo para sa paglunsad ng national endorsement ng mga CSO para kay Roxas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …