Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

BFP level up sa 80 firetrucks – Mar Roxas

KAHIT pababa na sa tungkulin bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG),  tuloy pa rin sa trabaho si Secretary Mar Roxas.

Ibinida ng Bureau of Fire Protection (BFP), isa sa mga ahensiya na sakop ng DILG, ang unang bagsak ng mga 80 bagong fire trucks na ibibigay sa mga 55 probinsiya.

“Dito sa harapan ninyo makikita ang katas ng ‘Daang Matuwid.’ Ito ay kabahagi ng malawakang programa ng Daang Matuwid na ipinapamahagi natin ang mga kakayahan, kaalaman at kasangkapan na kailangan ng ating magigiting na men in uniform, sa pulisya man o sa hanay ng mga bombero,” sabi ni Roxas.

Recados completos  na rin ang proyektong ito ni Roxas dahil hindi lamang mismong fire truck ang ipamimigay kundi pati probisyon para sa fire station sa mga LGU ay kasama rin. Sa loob ng isang bagong fire truck ay kasama ang 14 bagong fire-fighting equipments na bota, axe, breathing apparatus, head and face protection gear at iba pa. “Ito ay upang mapalakas natin ang kakayahan ng ating mga bombero na bantayan ang ating mga kababayan at paigtingin ang kanilang abilidad sa pagsugpo ng apoy,” paliwanag ng Kalihim.

Sa Camp Vicente Lim naganap ang ceremonial turn-over ng mga bagong trak at gamit para sa mga bombero. Dinaluhan ito ng mga governor, municipal mayors at iba pang opisyal mula DILG.

May 55 probinsiya ang magiging benepisyaryo ng proyektong pinupuntiryang magkaroon ng sariling fire truck at fire station ang lahat ng munisipalidad sa buong bansa, ano man ang partido ng meyor nito.

“Tuloy-tuloy po ito hanggang maabot natin siyento porsiyento, walang pinipili, hindi tinatanong ang partido, hindi tinatanong ang chaleco at hindi tinatanong ang politika. Lahat ng bayan sa ating bansa ay dapat lamang  magkaroon ng isang fire truck,” diin ni Roxas.

Ang proyektong bigyan ng bagong fire truck, fire station at kagamitan ang lahat ng bayan ay proyekto ni Roxas sa DILG. Nilalayon nitong palakasin ang kapasidad ng mga bombero upang tulungan sila sa pagtulong sa mga pangkaraniwang mamamayan. Sa pulisya naman, mga bagong patrol jeep at paglalagay ng mga CCTV sa matataong lugar upang mabawasan ang krimen ang mga proyektong tinututukan ni Roxas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

dead gun

Trike driver binoga sa batok tigok ‘pintor’ arestado

ISANG tricycle driver ang bumagsak at agad na namatay nang barilin sa batok ng isang …

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag          

CAMP VICENTE LIM – Naaresto ang dalawang tinukoy na ‘gunrunner’ kabilang ang isang wanted person …

Valenzuela

College scholarship sa Valenzuela bukas na para sa pagtanggap

SINIMULAN ng Valenzuela local government unit (LGU) ang pagtanggap ng mga iskolar para sa Dr. …

Arrest Shabu

Sa Caloocan City
Bebot na ‘tulak’ swak sa buybust ng parak

NALAMBAT ng Caloocan City Police ang isang babae na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal …

Casino Plus Angpao Rain Gala

Casino Plus, the Best Online Casino in the Philippines, Staged the First-of-its-Kind Angpao Rain Gala, Awarding a Record-Setting P180 Million to Recognize 600 Top Filipino Video Content Creators

IN a groundbreaking first, Casino Plus, the best online casino in the Philippines, awarded a …