Tuesday , July 2 2024
Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker
ANG mga bangka ng mga mangingisdang Pinoy habang nagbababa ng kanilang huli sa fishport ng Matalvis, sa Masinloc, Zambales at ang 77-anyos mangingisda na si Ricardo Legazpi, taga Sto. Rosario, Masinloc. (GERRY BALDO)

Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker

HUMINGI ng tulong si Masinloc Mayor Arsenia “Senyang” Lim at ang mga mangingisda sa Zambales para makakuha ng malalaking bangka na maaaring pumalaot sa ibang lugar bukod sa Bajo de Masinloc kung saan ginigipit sila ng Chinese Coast Guard at militia.

               Ayon kay Mayor Lim, naging mapanganib para sa mga mangingisda ang pumunta sa Bajo de Masinloc o ang Scarborough Shoal mula nang nagbanta ang China na huhulihin nila ang mga Pinoy at ibang lahi na pumasok sa inaangkin nila karagatan.

“Papaano natin sila tutubusin…baka sa China pa,” pahayag ni Lim sa isang pampublikong pagdinig ng Kamara de Representantes na ginanap sa munisipyo ng Masinloc sa Lalawigan ng Zambales noong Biyernes.

Ayon kay Lim, malaking bangka ang maaaring solusyon sa kasalukuyang suliranin ng mga mangingisda ng  Masinloc na dumaraing na sa kawalan ng hanapbuhay.

               Ayon sa mga kongresista na dumalo sa pagdinig bubuo sila ng  “inter-agency panel” na tutugon sa mga hinaing ng mga mangingisda.

Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., ang joint hearing ng House committees on national defense and security at ng special committee on the West Philippine Sea ay naging emosyonal.

“Malapit na naman ‘yung budget season. Narinig natin iyong ating mga fisherfolks. So, rest assured that we will form an inter-agency (panel) para magkaroon ng kasagutan itong kahilingan at kanilang mga nararamdaman,” ani Gonzales.

Para kay Iloilo Rep. Raul “Boboy” Tupas, vice-chairperson ng Committee on National Defense and Security, ang problema ng mangingisda ay nangangailangang ng sama-samang pagtulong ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Ayon sa mga mangingisda, binigyan sila ng bangka ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) pero “pang ilog lamang ito.”

“Complex po ang isyu na ito, complex po ang problemang ito. Kaya kailangan po natin ng tulong ng maraming ahensiya ng gobyerno. Ang puwede po nating approach na makuha rito, interagency or even multi-sectoral approach,” ani Tupas.

Para kay Rep. Robert “Ace” Barbers ng Surigao del Norte at Rep. Johnny Pimentel ng Surigao del Sur, ang suliranin ng mga mangingisdang Pinoy ay nag-umpisa sa tinaguriang ‘gentlemen’s agreement’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Presidente ng China na si Xi Jingping. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

arrest, posas, fingerprints

2 kelot sa Makati nam-bully arestado sa boga at bala

DALAWANG lalaki ang dinakip na sinabing nagbanta sa buhay ng isang kapuwa nila residente sa …

Babaeng rider tumilapon sa sumadsad na motorbike

NAMATAY ang isang babaeng rider na pinaniniwalaang sumadsad ang minamanehong motorsiklo sa Buendia Avenue flyover …

dead gun police

Dayuhang may negosyong 5-6 bulagta sa bala

Binawian gn buhay ang isang Indian national matapos baralin ng suspek na nakasakay sa motorsiklo …

KADIWA Center SJDM

KADIWA Center na may permanenteng bagsakan, binuksan ng DA sa San Jose Del Monte

Tiyak nang regular na makakabili ang mga mamamayan ng lungsod ng San Jose Del Monte …

San Jose Del Monte City Government Center

Katatagan ng bagong San Jose Del Monte City Government Center tiniyak ng DPWH

MAS pinatatag at pinatibay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bagong bukas …