Thursday , June 4 2026

Dalawang kaalyado ni Pangulong Duterte sinibak ni Cayetano

DALAWANG kaal­yado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang sinibak ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa gitna ng gulo sa Kamara kung kikilalanin o hindi ang term-sharing agreement niya kay Marinduque Rep. Lord Allan Velas­co.

Naunang napa­balita na maghahain ng mosyon ang mga kaal­yado ni Cayetano na ideklarang bakante ang lahat ng puwesto sa kamara.

Hindi natuloy ito bagkus tinanggal si Rep. Isidro Ungab, ang chairman ng House Committee on Appro­priations at si Rep. Doy Leachon ng House of Representatives Electoral Tribunal.

Ang dalawa ay parehong miyembro ng PDP-Laban. Pareho silang nagsasalita laban sa mga kaalyado ni Cayetano.

Si Ungab umano’y naging hadlang sa mga ginawang pagbabago sa panukalang budget na pumabor sa mga proyekto ni Camarines Sur Rep. Lray Villa­fuerte.

”I believe that the only guide to a man is his conscience, and the truth will always prevail no matter what. I have served my country and people well to the utmost of my ability. I accept my fate and so be it,” ani Ungab, na malapit sa First Family.

Ang ipinalit sa kanya ay si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap na dating chairman ng House Committee on Games and Amusement.

Ayon kay Leachon ang ginawang pagtanggal sa mga kaalyado ng pangulo ay magreresulta sa pagkatameme ng partido ng pangulo.

“These pictures  attached to this statement are the multi-billion price of PDP loss of voice in this Congress. And the probable and eventual dishonor of the term-sharing agreement,” ani Leachon.

Ani Leachon, hindi titiklop ang PDP-laban sa ‘tyranny’ ng liderato ng Kamara.

”They can rob and take away all of our positions especially from PDP-Laban but we’ll never bow down to this masked leadership of ‘tyranny.’ As it will be always a nice feeling putting a hard fight for a friend and our cause,” ani Leachon.

Sa isang pahayag, patuloy na kinuwestiyon ni Leachon si Villafuerte kung sino ang mga sinasabi ni Cayetano na nagpatunay na may namumuong coup d’ etat laban sa kanya.

Inakusahan din ni Leachon si Villafuerte na nagmaniobra sa halos P6 bilyon sa 2020 General Appropriations Act.

Ani Leachon, pina­laki ni Villafuerte ang pondo ng distrito niya sa Camarines Sur nang halos P7 bilyon.

“This might be the billion peso reason also why they likewise removed Cong. Sid Ungab as Appro­priations Committee Chair who couldn’t stand their abuse in the 2020 GAA preparation,” ani Leachon.

Giit ni Leachon, wala namang nangyayaring coup d’ etat laban kay Cayetano.

“Very clear in here, they go amuck on a self created scenario of alleged coup of House leadership to have a reason to dishonor the term-sharing agreement with Cong. Lord Velasco in order to perpetuate their throne so with their protection for self gain budget insertions for succeeding 2 years in Congress,” ani Leachon.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …