Saturday , May 18 2024

P4-B ‘maglalaho’ sa Marawi rehab

HIGIT sa P4-bilyon ang nanganganib mawala sa rehabilitasyon ng Marawi City kung hindi ito gagas­tusin sa bayan na winasak ng gera sa pagitan ng gobyerno at mga extremist na Muslim.

Ayon kay Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman, ang P4-bilyong pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi ay malapit nang mag-expire at babalik sa national treasury.

Ani Hataman, malaking inhustisya para sa mga taga-Marawi kapag nang­yari ito.

“Malacañang, through Task Force Bangon Marawi (TFBM), should find ways to ‘save’ the 2018 funds from expiring, as this would consequently deny the victims of the 2017 Marawi Siege the justice that they have been painstakingly looking for over two years now,” ani Hataman.

“We are appealing on behalf of Marawi, of Maranaos, of its people, to preserve more than P4 billion in funds intended for the rehabilitation and reconstruction of the city. Now, more than ever, the rehabilitation efforts in Marawi is under a rigorous lens of scrutiny because of delays in the past,” paliwanag ni Hataman, ang dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Aniya, habang dapat gamitin ang pondo para sa pagsasaayos ng Marawi.

Aniya, napabalitang P5.1 bilyon para sa Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program (MRRRP) na nasa pambansang budget ng 2018,  17% lamang o P871.7 milyon ang nai-release noong Nobyembre.

Ayon kay Hataman, dapat pag-aralang mabuti ang pagpapalawig ng pondo ng Marawi noong 2018.

Aniya, hindi kasalanan ng tao na hindi ito nagamit.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *