Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Asin tax dapat asintado — Quimbo

KINUWESTIYON ni Marikina City (2nd Dist) Rep. Stella Luz Quimbo ang gustong mangyari ng Depar­tment of Health na patawan ng buwis ang asin bilang paraan sa pagkontrol ng non-communicable diseases o NCDs.

“Sa panukalang ito, tamang pag-asin-ta ang tingin kong kailangan,” ani Quimbo.

Ang NCDs ang leading cause of death sa Filipinas at sa buong mundo. Ayon sa World Health Organization, 68% ng mga namamatay na Filipino taon-taon ay NCDs ang dahilan, at malaking factor dito ang unhealthy diet, partikular ang high salt intake.

Payo ng WHO, five grams lang ng asin ang dapat na nakokonsumo ng isang tao araw-araw. Pero base sa datos mula sa DOH, umaabot sa 11 to 12 grams ang average daily con­sump­tion natin ng asin.

“Ang tanong: tama bang magpataw ng Asin Tax? Sa totoo lang, kakaunti lang ang bansang mayroong Asin Tax. Mayroong junk food tax sa Hungary at Mexico,” pahayag ni Quimbo.

Aniya, ang pag-tax ay parang paggamit ng baril. Dapat maging maingat sa paghawak nito. Sa tamang paggamit, guns can save lives. Kung hindi naman, baka makadisgrasya o makapatay ng inosente. Kaila­ngan asin-tahin natin kung sino o ano talaga ang target. Huwag shotgun approach!

Ayon sa National Demo­graphic and Health Survey, ang pinakamayayaman ang may pinakamataas na insidente ng NCDs tulad ng hypertension at heart disease. Sila ay mayroong 17.2% incidence rate ng hypertension habang nasa 3.7% ang pinakamahihirap, paliwanag ni Quimbo.

Tanong niya: “Saan galing ang high salt sa diyeta ng pinakamayayaman?”

Isang source ang processed meat. Nasa 3% ng kanilang food expenditure ay para sa pro­cessed meat. Samantala, nasa 1.1% lang ng total food expen­diture ng pinakamahihirap sa processed meat.

Aniya ang dapat tingnan ng DOH ay junk food bilang source of sodium at puwedeng patawan ng buwis.

”’Less essential’ naman ito kompara sa maasing ulam,” ani Quimbo.

“Kung ipapataw ang Asin Tax sa salted fish (tulad ng daing) at instant noodles, ang mahihirap ang matatamaan dito,” ayon sa kongresista ng Marikina.

Isinanguni ni Quimbo ang Family Income and Expenditure Survey na nagsasabing, 4.9% ng total food expenditure ng pinakamahihirap na pamilya ay nagagastos sa daing, instant noodles, at sardinas. Nasa 1.6% lang ang porsiyento ng salted fish and instant noodles sa pangkabuuang gastos sa pagkain ng mga mayayaman.

“Sa pagpataw ng isang malawak na buwis sa salty food, mahihirap ang unang matata­maan, when in fact it is actually the richest sector of our population that is suffering from the diseases the DOH wants to address with its proposal,” aniya.

“Baka imbes Asin Tax, mas effective pa ang malawakang information campaign tungkol sa tamang pagkain na ang makikiki­nabang ay lahat ng income groups,” ayon kay Quimbo.

 (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …