Thursday , June 4 2026

Breakfast meeting ng mga congressman isa lang — Cayetano

ISANG breakfast meeting lamang ang dadaluhan ng mga kongresista ngayong umaga, 22 Hulyo 2019, ayon kay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Imbes dalawa, tali­was sa napabalita na mayroon din “breakfast meeting” kay Davao Rep. Paulo “Pulong” Duterte sa ganap na 8:00 am.

Ayon kay Cayetano, nagkasundo na silang dalawa matapos alukin at pumayag si Rep. Duterte na maging deputy speaker for political affairs.

Tahimik si Duterte sa mga pahayag ni Cayetano pagkatapos ng kanilang miting kamakalawa.

Ngunit ayon sa isang kongresista, nagu­guluhan pa rin ang mga miyembrro ng Kamara kung ano ang tunay na basbas ni Pangulong Duterte na nagsabing ang pag-endoso niya kay Cayetano ay isang “rekomendasyon” lamang at maaaring hindi ito sundin ng mga mam­babatas.

Inendoso ng pangulo si Cayetano at si Marin­duque Rep. Lord Allan Velasco na maghati sa pagka-speaker ng Kamara.

Ayon sa Pangulo, 15 buwan kay Cayetano, at 21 buwan kay Velasco. Si Leyte Rep. Martin Ro­mual­dez, na nagpahayag rin ng kanyang pagka­gustong maging speaker, ay magiging majority leader.

Sinabi rin ng kongre­sistang ayaw magpa­bangit ng pangalan na higit 200 ang nagkom­pirma sa breakfast meeting ni Pulong sa South Lounge ng Kamara.

Ang breakfast naman ni Cayetano ay sa Nogra­les Hall ng bagong South Wing Annex ng Kamara sa ganap na 8:30 am.

“The speakership fight is still full of con­fusion. It ain’t over till it’s over! Expect a tumul­tuous session,” ayon sa kongresista.

Aniya, nangulit si Sen. Bong Go na iboto si Cayetano sa pagbubukas ng sesyon.

Si Cayetano ay su­portado rin ng ilang miyembro ng gabinete.

“We got words that Cong. Pulong may challenge the Speaker’s choice of his father. Hindi lang malinaw kung siya ang kandidato or may i-endorse siya. Kung may galawan, magiging mali­naw na iyan sa almusal na ipinatawag niya,” ayon sa isa pang ko­ngresista.

Noong Huwebes nag­paikot si Pulong ng manifesto of support para sa Duterte Coalition lingid, umano, sa kaalaman ng pangulo.

Si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate at Albay Rep. Edcel Lagman ay tatakbo rin sa pagka-speaker.

Sa 301 mambabatas na magiging miyembro ng papasok na 18th Congress, kailangan ng 152 boto para manalo ang isang speaker.

Ayon sa beteranong kongresista, maraming nagpapatawag ng miting para ikampanya ang ilang kandidato sa pagka-speaker kaya lalo, aniya, silang nalilito.

Si Pulong, aniya, wala pang sinasabi kung sino ang iboboto nila.

Kaugnay nito, sinabi ni Velasco, walang gusot na mangyayari sa eleksiyon ng speaker ngayong umaga.

Sa kanyang mensa­he, pagkatapos ng miting nila ni Cayetano, Ro­mual­dez at iba pang matataas na opisyal ng mga partido, sinabi ni Velasco na sisigu­radu­hin nilang, “walang gusot, smooth ang mangyayari, for the next three years, ‘yung 15 months ni Speaker Alan at ‘yung sunod na 21 ko, it will be a very smooth transition, wala hong gusot, we’ll make sure that we’ll deliver the required laws na kinakailangan para ma-push nang deretso at ang pupuntahan nating direksiyong lahat ay pinapangarap sa atin ng ating Pangulo.”

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …