Sunday , April 28 2024
congress kamara

Sa House Speakership: Conscience vote ‘di term sharing

HINIMOK ng bumalik na kongre­sista ang mga kasamahan sa Kamara na huwag papayag sa term-sharing na itinutulak ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano dahil panunupil ito sa karapatan ng mga kongresista na pumili ng kanilang gustong speaker.

Ayon kay Anaka­lusu­gan partylist Rep. Mike Defensor, dapat hayaan ang mga kongresista na bomoto nang naaayon sa kanyang konsiyensiya.

Ayon kay Defensor, dating kinatawan ng pangatlong distrito ng Lungsod Quezon, kahit si Pangulong Rodrigo Du­ter­te ay ayaw sa ‘political deals’ noong kongresista pa siya.

“In 1998, President Rodrigo Duterte was one of only five who voted for Joker Arroyo. There was no concession nor promise of anything for his vote. In fact, Joker lost and those who voted inclu­ding then congressman and now President Duter­te stood proud among his peers,” ani Defensor.

“I will follow his example and vote ac­cording to my conscience and belief of who will be the best for the Filipino nation. No deal nor arrangement can influence my stand,” ani Defensor, na kasama ni Duterte sa 11th Congress.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

C5 Quirino flyover Villar

Sa Las Piñas  
C5 EXT. QUIRINO FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA

BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas. …

itak gulok taga dugo blood

2 anak pinagalitan,
BABAE PATAY SA TAGA NG AMA

PATAY ang isang 27-anyos babae matapos tagain ng kanyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan sa …

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *