Thursday , June 4 2026

Kamara bantay-sarado sa proyekto ng gobyeno

PAGKATAPOS tuparin ang legislative agenda ni Pangulong Duterte, pagtutuunan ng pansin ngayon ng Kamara ang mga batas na dapat ipa­tupad at ang mga proyektong nakabinbin.

“We already finished the legislative agenda that President Duterte asked for in his SONA (State of the Nation Address last July 23). So now we will spend more time on oversight, because there are laws and the laws are good. Now they have to be implemented… oversight will be a lot of the work,” ayon kay House speaker Gloria Macapagal Arro­yo.

Sa panig ni Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas, may malaking problema ang Depart­ment of Public Works and Highways (DPWH) sa road right of ways (RROWs).” 

“We are also calling the attention of the DPWH to immediately respond to the queries and act double time to settle all issues surrounding the RROWs acquisition,” ani Abu.

Paliwanag ni Abu ang tagumpay ng mga proyekto ay nakatuon sa dalawang bagay —-  ang road right of way at ang pagpasa ng pambansang budget.

Aniya, ang delay sa pag-aprub ng pamban­sang budget ay nakaaa­pekto sa P1.104-bilyong Batangas City–Bauan Bypass Road.

Ani Abu inaasahang magpapalawig ito sa sumasamang lagay ng trafik sa Batangas City, San Pascual-Bauan- Mabini portion ng Ba­tangas City-Palico High­way.

Paliwanag ni Abu ang proyekto ay magpa­pabilis sa transpor­tasyon ng mga produk­to at serbisyo mula sa Batangas patungo sa iba’t ibang dako ng Filipinas at mundo.

Ani Abu, ang Bata­ngas City-San Pascual-Bauan Bypass Road ay sinimulan noong 2017.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …