Tuesday , November 11 2025
Puregold CinePanalo 2026

Puregold CinePanalo grant pinakamalaki

NAKAABANG sa buong Cinema 12 ng Gateway Cineplex 18 nang ipalabas sa screen ang isang eksenang nagpapakita ng isang babae na umaabot sa mga cocktail cans — ang hudyat ng malaking anunsiyo ng pitong opisyal na kalahok sa full-length category ng Puregold CinePanalo 2026. 

Ang cinematic moment na ito ay nagdala ng saya at emosyon sa mga talentadong filmmaker na makikitang mabubuhay na sa pelikula ang kanilang mga pangarap.

Ang pitong itatampok na pelikula sa CinePanalo ay ang mga sumusunod: Wantawsan ni Joseph Abello; Mono No Aware ni BC AmparadoApol of My Ai ni Thop NazarenoPatay Gutom (Dead Hungry) nina Carl Joseph Papa at Ian PangilinanBeast ni Lawrence FajardoStuck on You ni Mikko Baldoza; at Multwoh (Patay na Patay Sa ’Yo) ni

Rodina Singh.

Bawat isa sa pitong pelikula ay tatanggap ng  ₱5-M bilang production grant at pagkakataong makipag-kompitensiya para sa mga parangal ng festival. Ang mga napiling feature films ay ipalalabas kasabay ng 20 short films na eksklusibong nilikha ng mga student filmmaker.

Bukod sa mga cinematic reveal videos, ipinakita rin ng event ang retail roots ng Puregold sa pamamagitan ng paggawad sa bawat kalahok ng isang malaking stylized grocery receipt na sumisimbolo sa kanilang record-breaking production grant.

Ang nalalapit na 2026 Puregold CinePanalo ang magiging pinakamalaking installment ng festival,”ayon kay Puregold Senior Marketing Manager Ivy Hayagan-Piedad.

Narapat lamang na ihayag namin ang Top 7 films sa isang engrandeng paraan na tatak-Puregold,” dagdag pa.

Kompiyansa rin ang mga organizer ng Puregold CinePanalo na bawat isa sa pitong pelikula ay tiyak magpapahanga sa mga manonood at patuloy na tutugon sa mataas na pamantayan na itinakda ng tagumpay ng mga nakaraang taon.

 “Ibinibigay ng Puregold CinePanalo ang pinakamalalaking grant nito sa kasaysayan — gantimpalang karapat-dapat sa pitong kalahok na nagpakita ng walang kapantay na passion, creativity, at ‘panalo sa husay’ ng mga Filipinong filmmaker,” anang Festival Director Chris Cahilig

Ang mga pelikulang ito ay magpapatawa, magpapaluha, at magpaparamdam ng lahat ng emosyon. Sabik na sabik na kaming mapanood ito ng publiko sa festival,” dagdag pa ni Cahilig.

Ngayon ay nasa ikatlong taon na ang Puregold CinePanalo na nagsilbing plataporma para sa mga matapang na Filipinong filmmaker para maisakatuparan ang kanilang mga pangarap na proyekto — ilan sa mga ito ay napili pang makipagkompitensiya sa mga international film festivals sa Europa, Asya, at Africa.

 “Mula’t sapul, naniniwala ang Puregold sa kahalagahan ng pagsuporta at paghubog sa mga Filipino artist,” dagdag ni Hayagan-Piedad.

Isa ito sa aming pinaka-ipinagmamalaki — na lumago ang CinePanalo sa ganitong antas at nabigyan ng pagkakataon ang napakaraming filmmaker na makalikha ng world-class movies. Wala kaming duda na ang pitong pelikulang maglalaban sa susunod na taon ay hindi rin magpapahuli.”

Ang 2026 Puregold CinePanalo ay gaganapin at ipalalabas  sa susunod na taon sa Gateway Cineplex 18 at Ayala Malls Cinemas. (Allan Sancon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …