Tuesday , June 23 2026
Rabin Angeles Angela Muji Carlo Aquino Jerald Napoles

Rabin at Angela maraming natutunan kina Carlo at Jerald

ni Allan Sancon

MAINIT na pinag-uusapan ang tambalang Rabin Angeles at Angela Muji sa kanilang bagong proyekto, ang Viva One Originals: RabGel, na magsisimula sa May 15. 

Matapos ang sunod-sunod nilang tagumpay, mas pinatindi pa ng dalawa ang kanilang pag-atake sa isang anthology na magpapakita ng tunay nilang kakayahan bilang mga artista—hindi lang bilang love team kundi bilang indibidwal na performers.

Ayon kay Rabin, malaking hamon at oportunidad ang proyektong ito para sa kanya. “Excited ako kasi bawat episode, ibang Rabin ang makikita nila. Hindi lang ako naka-box sa isang role.”

Para naman kay Angela, isang fulfilling journey ang bawat kwento. “Challenging siya pero fulfilling. Parang bawat istorya, may bagong Angela na kailangang buhayin.”

Hindi rin itinago ng dalawa ang kanilang pasasalamat sa mga beteranong aktor na nakatrabaho nila sa serye. 

Ayon kay Rabin, “Sobrang saya katrabaho si Jerald Napoles. Ang dami kong natutunan, lalo na sa comedy.”

Samantala, ibinahagi rin ni Angela ang paghanga niya kay Carlo Aquino

Sobrang inspiring makatrabaho si Kuya Carlo. Napaka-generous niyang actor,” ani Angela.

Tampok sa anthology ang apat na magkakaibang kwento na ipapalabas kada linggo: Ang Rider Kong Hoodlum (May 15, Director: Philip King), Same Day Error (May 22, Director: Rayn Brizuela), My CEO Thinks I’m a Robot (May 29, Director: Gino M. Santos), at Us, Maybe (June 5, Director: Crisanto B. Aquino).

 Bawat isa ay magpapakita ng iba’t ibang emosyon at genre na tiyak na aabangan ng fans.

Para kina Rabin at Angela, higit pa sa kilig ang hatid ng proyekto. Isa itong pagkakataon para patunayan na kaya nilang sumabak sa iba’t ibang klase ng roles.

Gusto naming ipakita na kaya naming tumayo bilang individual actors at bilang tandem,” dagdag pa ni Rabin.

Sa apat na linggo at apat na kwento, malinaw na handang ipakita ng RabGel ang kanilang evolution bilang mga artista. Hindi lang ito simpleng serye—isa itong matapang na hakbang para patunayan na sila ang susunod na dapat abangan sa industriya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …