Tuesday , June 23 2026
JMFyang Almost Us MegaMall

Almost Us ng JMFyang nagpayanig sa Megamall

ni Allan Sancon

UMANI ng matinding ingay at intriga ang Grand Premiere Night ng Almost Us, launching movie ng tambalang JMFyang nina JM Ibarra at Fyang Smith

Hindi basta premiere ang naganap, isa itong eksenang parang concert sa lakas ng hiyawan ng fans na halos magpayanig sa SM Megamall cinema.

Patunay lang na kahit bago pa lang sa big screen, may solid following na agad ang dalawa.

Paglabas pa lang nina JM at Fyang sa red carpet, kitang-kita ang kaba sa kanilang mga ngiti, pero hindi ito naging hadlang para mas lalo silang mahalin ng fans. 

Lalo pang uminit ang eksena nang magsimula ang programa, na hindi na mapigil ang tilian at sigawan ng supporters na tila sabik na sabik masaksihan ang kanilang unang pelikula.

Mas lalong naging engrande ang gabi sa pagdalo ng ilang kilalang celebrities tulad nina Jane Oineza, Lella Ford, In̈igo Jose, Bianca de Vera, Melai Cantiveros, Fred Moser at iba pa.

 Pero sa dami ng dumalo, iisang pangalan lang ang sentro ng usapan, ang JMFyang, na ngayon pa lang ay itinuturing na susunod na big loveteam na dapat abangan.

Pero ang tunay na rebelasyon ng gabi? Ang pelikula mismo. Sa direksiyon ni Direk Dan Villegas, ibang klaseng love story ang inihatid ng Almost Us.. Hindi ito basta kilig lang, may lalim, may sakit, at may katotohanang tumatagos sa puso. 

Ang istorya ay maingat na hinabi, may natural na daloy at hindi minadali, kaya bawat eksena ay may bigat at saysay. Isa itong pelikulang kayang sabayan ang emosyon ng manonood mula umpisa hanggang dulo.

Hindi rin nagpahuli sina JM at Fyang sa aktingan. Para sa kanilang first movie, kapansin-pansin ang maturity nila sa pagganap. Walang pilit, walang arte, puro natural na emosyon ang ipinakita. 

Ayon kay JM, “Hindi namin minadali ‘to. Talagang pinagtrabahuhan namin bawat eksena para maging totoo sa audience.” 

Dagdag naman ni Fyang, “Gusto naming maramdaman ng manonood na hindi lang ito kuwento, parang buhay din nila. Sana maka-relate sila sa pinagdadaanan ng characters namin.”

Isa sa mga pinaka-inaabangang bahagi ng pelikula ang kanilang matitinding eksena, mula sa nakakikilig na CPR scene hanggang sa mapusok na kissing scene na ikinagulat ng marami. 

Sa loob ng sinehan, walang patlang na you know tilian ang fans sa bawat eksenang magkadikit ang dalawa.

 Pero higit pa sa kilig, ang emosyonal na lalim ng kanilang mga tagpo ang tunay na tumatak—lalo na sa mga eksenang puno ng sakit at realizations.

Sa kabuuan, Almost Us ay hindi lang isang simpleng loveteam movie, isa itong solidong pelikula na may puso at kalidad. Malinaw ang husay ng direksiyon ni Direk Dan, na nailabas ang pinakamahusay kina JM at Fyang. 

Ayon naman kay Atty. Keith Monteverde ng Regal Entertainment, Inc., hindi siya nagdalawang-isip na sumugal sa dalawa. At mukhang tama ang kanyang naging desisyon. “May nakita akong kakaiba sa kanila. At ngayong napanood ko na ang pelikula, masasabi kong hindi ako nagkamali,” sabi pa ni Atty. Keith.

Kung debut pa lang ito ng JMFyang, mukhang hindi na sila ‘almost’, kundi ganap nang papasok sa liga ng mga seryosong artista.

Kaya naman ngayong May 6, 2026, tiyak dudumugin ang mga sinehan para sa Almost Us, isang pelikulang hindi lang kikiligin, kundi iiwan ka ring may iniisip at pinagninilayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …