RATED R
ni Rommel Gonzales
PAANO ba hinaharap ng mga Sang’gre ang bashing at kritisismo?
Iyan ang ikinuwento nina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Angel Guardian, at Faith Da Silva na mga bida sa Encantadia Chronicles: Sang’gre sa kanilang guesting sa Fast Talk With Boy Abunda.
Ayon kay Faith, “I think with a lot of humility, kasi siyempre I mean proud ako sa mga nagagawa pero there are moments na parang I could’ve done so much better. Marami akong ganoon eh, dapat ganito ‘yung ginawa ko, dapat ganyan.
“Kasi it goes to shows na tao lang tayo, we’re still learning, we’re still evolving.”
Para naman kay Angel, may koneksiyon sa Enkantadiks ang kuwento sa kanyang responsibilidad na manatili sa kanilang mga karakter.
“Malaking part po talaga Tito Boy ‘yung mga Enkantadiks na sumusubaybay since 2005. Kabisado nila ‘yung story, eh.
“Siyempre for us, work din ‘yun for us na alamin kung tama ba itong ginagawa ng character natin.”
Sinabi naman ni Bianca na hindi naman maiiwasan ang mga kritisismo sa bawat proyekto.
“We cannot please everybody. There will always be bashing alongside all the things that you will do.”
At sa halip magpaapekto ay kumakapit sila sa bawat isa na mga Sang’gre.
“Kaming apat, everytime na may pagdaraanan, may hirap na pinagdaraanan ang characters namin.
“Ako personally alam ko kahit na mahirap minsan, kapag nakikita ko silang lumalaban, alam kong kailangan kong lumaban.”
Para kay Kelvin ginagamit niyang opportunity for improvement ang criticisms.
“Doon sa mga nagkokomento, mayroon kasing mga komento na literal na bash or trash doon sa kritiko.
“Sa akin kasi malaking bagay na mayroon kang nababasa na ganito kasi magkakaroon ka ng pagkakataon na mag-explore sa ibang perspective.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com