Thursday , June 4 2026
Ian Veneracion Daniel Padilla Kaila Estrada

Ian Veneracion todo-suporta kina Daniel at Kaila

ni Allan Sancon

HINDI naiwasang mausisa si Ian Veneracion tungkol sa relasyon nina Daniel Padilla at Kaila Estrada. Sa kabila ng intriga tungkol sa umano’y namumuong relasyon ng dalawa, naging maingat ngunit very supportive ang aktor sa kanyang sagot. 

Ayon kay Ian, “Whatever direction they want to take, I love them both. And they are very good people.” 

Kitang-kita sa kanyang pahayag na malaki ang respeto at pagmamahal niya kina Daniel at Kaila.

Dinagdagan pa ito ni Ian ng makahulugang mensahe. “And I’m sure, they will find happiness, wherever they go.”

Kitang-kita na boto si Ian sa espesyal na samahan nina Daniel at Kaila. 

Nang tanungin naman kung willing ba siyang maging ninong sakaling mauwi sa kasalan ang closeness ng dalawa, isang matamis na ngiti lang ang isinagot ng aktor na tila umiiwas nang magsalita pa tungkol sa sensitibong usapin.

Sa kabila ng pananahimik niya tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Daniel at Kaila, hindi maitago ni Ian ang suporta sa dalawa. Ayon pa sa aktor, nananatili pa rin ang kanilang komunikasyon kahit natapos na ang seryeng kanilang pinagsamahan. 

Patunay lamang ito na naging malapit sila behind the camera at hanggang ngayon ay buo pa rin ang kanilang friendship.

Samantala, ibang klaseng hamon naman ang haharapin ni Ian sa bagong seryeng Drug War. Sa nasabing proyekto, gagampanan niya ang papel ng isang pari na magsisilbing gabay sa mga kabataang naliligaw ng landas dahil sa droga. 

Ayon kay Ian, malalim at napapanahong istorya ang serye kaya naman buong puso niyang tinanggap ang proyekto. 

Hindi lang ito basta action-drama. Gusto naming ipakita ang epekto ng droga sa pamilya at kung paano may pag-asa pang magbago ang tao,” pahayag ng aktor.

Kabilang din sa cast ng serye si Jane Oineza na aminadong naging emosyonal sa kanyang role. 

Ayon kay Jane, mabigat ngunit makabuluhan ang karakter na kanyang ginagampanan dahil sumasalamin ito sa realidad ng maraming Filipino. 

Napakahirap ng role ko rito dahil maraming emosyon ang kailangang ilabas. Pero gusto kong maipakita na may mga taong nasisira ang buhay dahil sa droga at kailangan silang maintindihan,” ani Jane. 

Dagdag pa niya, malaking karangalan para sa kanya ang makatrabaho si Ian at ang buong cast ng serye.

Makakasama nina Ian at Jane sa Drug War sina Harvey Bautista, Yayo Aguila, Joem Bascon, at Ryan Eigenmann sa direksiyon ni Shugo Praico sa ilalim ng Rein Entertainment. 

Dahil sa matapang nitong tema at powerhouse cast, inaasahang magiging usap-usapan ang serye oras na ito’y mapanood ng publiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …