I-FLEX
ni Jun Nardo
KANAL ang turing ni John Prats sa sarili noon kompara sa naging girlfriend niyang si Heart Evangelista na mataas ang tingin niya sa kinalalagyan ng global fashion icon.
Eh tapos na ang Heart-John episode sa buhay nila kaya naman kitang-kita sa guesting ng actor-director sa Heart World na walang bitterness sa isa’t isa. The friendship is still there.
Ang gandang panoorin ng usapan nila na kahit hindi nagkatuluyan eh walang ilangan hanggang sa matapos ang chikahan.
Sa coming episodes ng Heart World, mapapanood ang muling pagbabalik nilang mag-inang si Cecillesa Paris!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com