Monday , November 17 2025
JM Ibarra Fyang Smith

Fyang kay JM: Sobrang happy ako na dumating siya sa buhay ko

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INAMIN kapwa ng Kapamilya stars na sina JM Ibarra at Fyang Smith na masaya sila sa pagkakasama sa Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins ng Regal Entertainment. Bukod pa sa isa ito sa official entries ng 2025 Metro Manila Film Festival.

Anila, sobrang saya nila na kinuha sila para magbida sa isang episode sa SRR, ito ‘yung sa present time. Itatampok sina Fyang at JM sa pangalawa sa tatlong bahagi ng horror movie.

Hindi sila makapagbigay ng o makapagbahagi ng gagampanan sa pelikula dahil gusto nilang sorpresahin ang kanilang mga tagahanga.

Sa pocket presscon na isinagawa sa Valencia Events Place sa Quezon City noong Oct. 27, sinabi ni JM na, “sobrang happy ko kasi malaking bagay na makasama sa isang malaki at tumatak nang pelikula sa industriyang ito.”

Mahilig ako sa horror, actually kaya kong manood ng horror movie sa isang upuan lang. Kaya noong nalaman ko na kasama kami, sobrang saya. May factor na matagal ko nang pangarap na gumawa ng horror movie tapos sa ‘SRR’ pa,” masayang wika naman ni Fyang.

Hindi kasi kompleto ang MMFF o Christmas kung walang SRR. Kaya sobrang saya ko na kinuha kami bilang lead star,” dagdag pa ni Fyang.

Sa kabilang banda, wala pang isang taon simula nang lumabas sila ng Bahay ni Kuya subalit sunod-sunod na ang proyekto, blessings na dumarating sa kanila. Nagkaroon sila ng series na Ghosting at si JM nagbida sa Cinemalaya movie na Child No. 82: Anak ni Boy Kana. At pagkaraan kasama at bida sa SRR.

Kaya natanong ang dalawa kung ano ang ipinagpapasalamat nila ngayong 2025.

Ani Fyang, “Maraming blessings nang dumating siya (JM) sa buhay ko. Siya ‘yung pinaka-biggest plot twist ng buhay ko talaga. Siya ‘yung pinaka-unexpected. Siya ‘yung pinaka-biggest plot twist and pinaka-unexpected. Yet, sobrang happy ako na dumating siya sa buhay ko. Ganoong type of thing. Ganoong type siya sa akin. Ganon ‘yung impact niya sa akin.”

Giit pa ng PBB alumna,, “Isa siya sa mga pinaka-unexpected na taong dumating na hindi ko akalain na magiging malaking impact sa buhay ko. Magiging malaking tulong sa buhay ko. Isa sa mga naging importanteng tao sa buhay ko.”

Reaksiyon naman ni JM sa tinuran ni Fyang, “I guess parehas kami ng plot twist, na hindi namin in-expect na kaming dalawa ‘yung magtutulungan para sa  buhay namin.

“And siyempre, bukod doon, thankful kami sa pang-araw-araw na buhay na bigay sa amin dito. Kasi kung wala ‘yun, hindi namin maa-achieve ‘yung kung anong mayroon kami ngayon. 

“Marami kaming pasasalamatan, sumusuporta sa amin. And, itong team namin na walang sawa and sobrang haba ng pasensiya para sa amin. And isa pa, thankful ako sa suporta and sa tiwala na ibinigay ninyo sa amin since day one.”

Sa kabilang banda, kapansin-pansin namang walang ilangan at komportable na ang dalawa.

Paliwanag ni Fyang, “We’re really best friends. Close friends. Isa siyang maginoong lalaki.”

Sa kabilang banda iginiit naman ni JM na masaya silang magkasama ni Fyang. “Enjoy lang kami sa isa’t isa at masaya kami working together.”

Naku sa pahayag na ito nina JM at Fyang lalong nakae-excite mapanood sila sa Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins ng Regal Entertainment sa December 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

AFAM Wives Club

AFAM Wives Club reality series ukol sa pag-ibig at makabagong Filipina

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAIINTRIGA ang bagong handog ng iWant, katuwang ang Project 8 Projects, ang bagong reality …

Richard Gutierrez Ivana Alawi

Richard walang arte kahit dugyot ang hitsura; saludo kay Ivana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINUPURI ng karamihan ang pagiging propesyonal ni Richard Gutierrez pagdating sa tabaho. Mula …

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …

Stephan Estopia Kiray Celis

Kiray Celis, nilinaw nag-viral na photo sa Japan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NILINAW ng aktres-entrepreneur na si Kiray Celis ang nag-viral na …

Waynona Collings Princess Aliyah Reich Alim Fred Moser

Unang eviction night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong Sabado na

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAKILALA noong Linggo ang unang mga nominado ng Pinoy Big Brother Celebrity …