Sunday , November 16 2025
Archi Adamos Van Allen Ong Vern Kaye

Archi Adamos tinalbugan si Van Allen sa Babae sa Butas

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PITONG mapanuksong pelikula ang itinampok sa CineSilip Film Festival na ipinalabas sa lob ng pitong araw. Tumakbo ito mula Oktubre 22 hanggang Oktubre 28 sa Trinoma, Market! Market!, Ayala Malls Manila Bay, at Ayala Malls Circuit Makati.

Sa pitong pelikulang, isa lamang ang aming napanood, ang Babae sa Butas na isang mystery drama at idinirehe ni Rhance Añonuevo-Cariño.

Ang anim pang pelikulang kalahok sa CineSilip Filmfest ay ang Haplos sa Hangin, Pagdaong, Dreamboi, Salikmata, at Maria Azama: Best P*rn Star.

Lahat ng pelikulang ito ay Rated R-18 ng MTRCB dahil lahat ay may eksena ng hubaran at pagniiig. 

Si Ronald Arguelles ang festival director at sinabi nito na, “The films explore desire in various forms — from neorealist encounters in the slums, to fantasies come to life.

“They dissect it through poetry, find what’s funny about it, and view it through the lens of the marginalized.

“Desire comes in many forms, and our filmmakers have taken it upon themselves to give us a panorama of perspectives.

“This festival is more than just a showcase — it’s a platform for storytelling, experimentation, and Filipino creativity to flourish.

“Expect films that will make you laugh, cry, question, and feel. It’s proof that Philippine cinema is alive, evolving, and ready to take on the world.”

Kagabi, Oktubre 27 isinagawa ang awards night sa Viva Cafe, Cubao at ang mga tumayong hurad ay siina Erik Matti, Joy A. Aquino, at Tito Valiente.

Noong Biyernes, Oktubrerr 24, isa kami sa naimbitahan sa Red Carpet Premiere Night ng pelikulang Babae sa Butas na pinagbibidahan nina Van Allen Ong, Vern Kaye, Arah Alonzo, Skye Gonzaga, Karen Lopez, Archi Adamos, Marnie Lapus.  

Kuwento ito ng 27-anyos na tricycle driver na si Kaloy (Van Allen) at ng apat na babaeng nakasama niya sa isang bahay sa squatter’s area. Nakitira si Kaloy sa bahay ng tatlong magkakapatid— ang girlfriend niyang si Dona (Vern), ang una niyang niligawan na si Sheila (Arah), at ang bunsong si Angel (Karen) na graduating na bilang Architecture student.

Ang ikaapat na babaeng nakasama nila sa bahay ay ang vlogger na si Megan de Vera (Skye), na kaibigan ni Dona.

Bago ipalabas ang pelikula ay ibinuking ni JeanKiley na umiyak ang direktor nitong si Rhance. 

An Rhance, iniaalay niya ang idinirehe niyang pelikula sa kanyang ninong na si direk Maryo J delos Reyes.

Overwhelm siguro si direk sa kanyang pelikula na finally ay naipalabas na at nakasama nga sa CineSilipkaya ganoon na lamang ang kanyang reaksiyon.

Sa aming panonood, nagulat kami sa ginawang paghuhubad ni Adamos. Tinalo kasi nito ang bidang si Van Allen dahil nang mahuli ang karakter ni Archi ng misis na si Marnie Lapus na nakapatong kay Sheila, kitang-kita ang maputi niyang wetpaks. 

Talbog si Kaloy na nang matantong hindi ang GF na si Dona ang nagpapaligaya sa  kanya sa butas ng CR, nandiri siya sa sarili at may ginawang kahindik-hindik kay junior. 

Kung ano iyon panoorin na lamang ninyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

AFAM Wives Club

AFAM Wives Club reality series ukol sa pag-ibig at makabagong Filipina

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAIINTRIGA ang bagong handog ng iWant, katuwang ang Project 8 Projects, ang bagong reality …

Richard Gutierrez Ivana Alawi

Richard walang arte kahit dugyot ang hitsura; saludo kay Ivana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINUPURI ng karamihan ang pagiging propesyonal ni Richard Gutierrez pagdating sa tabaho. Mula …

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …

Stephan Estopia Kiray Celis

Kiray Celis, nilinaw nag-viral na photo sa Japan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NILINAW ng aktres-entrepreneur na si Kiray Celis ang nag-viral na …

Waynona Collings Princess Aliyah Reich Alim Fred Moser

Unang eviction night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong Sabado na

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAKILALA noong Linggo ang unang mga nominado ng Pinoy Big Brother Celebrity …