Tuesday , November 11 2025
Arrest Posas Handcuff

Baril o bembang; Kelot arestado sa pagbabanta nang tanggihan ng live-in partner

DINAMPOT ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng kanyang kinakasama ng pagbabanta sa pamamagitan ng panunutok ng baril makaraang tumanggi itong makipagtalik sa kanilang tahanan sa Brgy. Pulong Buhangin, bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng gabi, 18 Oktubre.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Voltaire Rivera, hepe ng Santa Maria MPS, kinilala ang suspel na isang 43-anyos na delivery rider, habang ang biktima ay ang 28-anyos na online seller, kapwa residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, tumawag sa mga opisyal ng Brgy. Pulong Buhangin ang biktima upang humingi ng tulong matapos siyang bantaan ng kanyang kinakasama na may masamang mangyayari sa kanila ng tatlong anak kung tatanggihan niya ang kagustuhan na makipagtalik, habang may hawak na isang caliber .38 revolver.

Sinabi pa ng biktima na matapos ilagay ng suspek ang baril sa cabinet at sandaling lumabas ng silid, agad niyang kinuha ang baril na may kargang dalawang bala at tumakas upang isuko ito sa mga opisyal ng Brgy. Pulong Buhangin.

Sa isinagawang imbestigasyon, lumabas na bago pa ang insidente, madalas umanong ginagamit ng suspek ang naturang baril upang takutin ang biktima kapag ayaw nitong makipagtalik.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Sta. Maria MPS at mga tanod ng barangay saka inaresto ang suspek na dinala sa estasyon para sa tamang disposisyon.

Kasalukuyang inihahanda na ang kasong Grave Threat at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isasampa laban sa suspek sa Tanggapan ng Piskal ng Lalawigan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …