Wednesday , November 12 2025
Bulacan

Pagbaha at krisis sa basura tatalakayin sa kauna-unahang Bulacan Environmental Summit

LUNGSOD NG MALOLOS – Magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng 1st Environmental Summit: “Bulacan Kilos Laban sa Baha at Basura!” ngayong 17 Oktubre 2025, 8:00 ng umaga sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, na kumakatawan sa matibay na pagsisikap para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapatatag ng kakayahang tumugon sa mga sakuna.

Naglalayong mapalakas ang sama-samang pagsisikap ng lalawigan, tutugunan ng summit ang mga suliranin sa kapaligiran partikular sa flood control at solid waste management sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng local leaders, stakeholders, at environmental advocates.

Kabilang sa agenda ang presentasyon mula sa dalawang nangungunang tanggapan: ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na mangunguna sa diskusyon sa kasalukuyang lagay ng water waste at kinalaman nito sa pagbaha, pati na rin ang mga estratehiya upang mabawasan ang epekto nito sa mga komunidad.

Pangungunahan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang diskusyon sa waste management, environmental governance, at sustainable practices na nakatuon sa pagbabawas ng polusyon at pangangalaga sa yamang likas.

Pangunahing dadalo sa aktibidad ang mga lokal na lider mula sa mga lungsod at munisipalidad sa Bulacan kasama ang mga technical attendee, kabilang ang mga punong lungsod/bayan at pangalawang punong lungsod/bayan, ABC presidents, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlungsod, pangulo ng mga Sangguniang Kabataan, City and Municipal Environment and Natural Resources Officers (C/MENROs), City and Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officers (C/MDRRMOs), at chairpersons sa Committee on Environment mula sa mga lungsod at munisipalidad sa Bulacan.

Sasamahan sila ng Provincial Solid Waste Management Board, sa pangunguna ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino, Inh. Randy H. Po, at iba pang concerned officers.

Magsasagawa ng open forum matapos ang talakayan upang bigyang daan ang mga kalahok na magbahagi ng kanilang insights, mga suliranin sa kanilang lugar, at magrekomenda ng mga solusyon para sa mas malinis, ligtas at matatag na Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Bodjie Dy III

Maging handa, magkaisa at huwag magpakampante

kay Uwan – Speaker Bodji ni Gerry Baldo NANAWAGAN si House Speaker Faustino “Bodj” Dy …