Friday , November 7 2025
Chavit Singson Jillian Ward

Chavit Singson sa pagli-link kay Jillian Ward: Marites lang ‘yun

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

GINISA ng entertainment press si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson nang makahuntahan ito noong Martes sa Kamuning Bakery kasabay ng pagdiriwang ng World Pandesay Day ngayong araw.

Inurirat kasi ang dating gobernador ukol kay Jillian Ward na nali-link din matapos matsismis na may anak daw sila ni Yen Santos, na nauna nang pinasinungalingan.

Kung may ilang pagkakataong inili-link ang gobernador sa batang aktres ng GMA na sinasabing may ‘something special’ ang mga ito. 

Natatawang tumugon ni Manong Chavit na, “Marites lang ‘yun, Marites lang. Naririnig ko nga ‘yan. Marami ngang nali-link sa akin. Pero puro Marites ‘yun.”

Pero nang tanungin uli siya kung totoo bang nagkaroon sila ng relasyon ni Yen ay hindi sinabi ni Manong Chavit na tsismis lang ‘yun. Bagkus ang sinabi nito ay, “Next question.” Na sinundan ng pilyong tawa sabay pakiusap na huwag na siyang tanungin tungkol sa mga babaeng nali-link sa kanya.

Nauna nang idinenay ni Manong Chavit na wala silang anak ni Yen nang umapir ito sa YouTube channel ng aktres.

Iginiit pa ng dating gobernador na walang bahid ng katotohanan ang mga naglalabasang tsismis tungkol sa kanila ng Kapuso star kaya huwag daw basta maniwala ang mga tao.

Ang ipinilit lamang ni Manong Chavit na ibalita ay ang paghahanap niya ng babaeng  makakasama habambuhay. 

Anito,  totoong gusto niya muling magpakasal at magkaroon ng asawang makakasama sa buhay.

”Talagang naghahanap ako ngayon ng pwedeng mapakasalan para may mag-aalaga naman sa akin.

“Para sa pagbyahe-byahe ko may kasama ako. Kahit na sino, basta maganda ang puso,” muling giit ng gobernador.

Noon pa sinasabi ni Manong Chavit na naghahanap talaga siya ng babaeng makakasama habambuhay. At noong Martes muli niyang inulit ito.

Nang tanungin kung ano-anong qualities o qualification ang hanap niyang babae, anito, “Ang gusto ko mabait. Hindi na ako mamimili basta mabait siya. Paano ka aalagaan kung hindi mabait?”  

Sa kabilang banda, pinuri ni Manong Chavit ang mga artistang nagpapahayag ng saloobin at lumalaban sa malawakang korapsiyong nangyayari sa bansa ngayon.

Naniniwala kasi ang dating gobernador na malaki ang maitutulong ng mga artista sa paglaban sa malawakang korapsyon sa gobyerno.

“Yes. Malaking bagay. They’re very influential at pinaniniwalaan sila ng mga tao. Nagpapasalamat ako, sumali sila. Isinigaw nila ‘yung mga nangyayaring katiwalian.

“Maganda po, nagpapasalamat ako sa kanilang lahat. Si Vice Ganda, nakita ko na nagmumura. Maganda kung sumama sila sa protesta ng korapsiyon dahil kinabukasan natin lahat (ang nakataya), hindi lang ng mga kabataan.

“But more on the kabataan. Maganda kung sasama lahat ng mga maimpluwensiya, like movie stars. Very welcome sila. They’re against corruption. Maganda po, makatutulong sila. Magpapasalamat po ako sa kanila, kaisa natin ‘yan.

“We should be united in denouncing this greatest another robbery. Itong ghost projects na ito,” giit pa ni Manong Chavit.

Samantala, inaanyayahan ni Wilson Flores, may-ari ng Kamuning Bakery ang publiko na makiisa pagdiriwang ng World Pandesal Day ngayong araw. Mamimigay sila ng pandesal at iba pang pagkain mula sa kanilang Kamuning Bakery Cafe simula 9:00 a.m.. 

“Get ready for a historic & heartwarming pandesal sharing! 🥯✨  

“This isn’t just a celebration of our beloved, humble bread—it’s a movement with a mission: ❤️To honor the great Filipino pandesal. ❤️To raise awareness on the important issue of hunger, in line with UN’s Oct. 16 World Food Day,” ani Wilson.

Magkakaroon din sila sa Medical at Dental Mission sa October 26, 2025 (Linggo), 8:00 a.m. to 12:00 noon sa pakikipagtulungan ng Chinese General Hospital & Medical Center (CGHMC)

“This is more than a love for bread; it’s a legacy of kindness. Share this with your friends & family! Let’s make a difference, one pandesal at a time. 🔥” sabi pa ni Wilson.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong …

Marianne Bermundo

Marianne Bermundo espesyal ang debut, focus sa studies at career

BATA pa lang nang nakilala si Marianne Bermundo bilang beautyqueen-model. Ngayon ay ganap na siyang dalaga …

Leah Navarro Richard Reynoso Gino Padilla OPM Then and Now

Leah, Richard at Gino, tampok sa “OPM: Then & Now” sa Music Museum sa Nov. 6

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SPECIAL guests ang mga premyadong mang-aawit na sina Leah Navarro, Richard Reynoso, …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Alphaland nilinaw Chiz, Heart walang ari-arian

I-FLEXni Jun Nardo WALANG pagmamay-ari o anumang ari-arian sa loob ng Alphaland Baguio Mountain Lodges …

Anjo Yllana Tito Sotto

Tito Sotto deadma sa pagngawngaw ni Anjo

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY lang sina Tito, Vic and Joey sa everyday nilang ginagawa sa Eat Bulaga kahit ngumangawngaw si Anjo Yllana sa …