SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NAPAKAHUSAY. Talagang na-perfect na ni Jericho Rosales ang kanyang craft. Umpisa pa lang ng pelikula, iyong pagsayaw nila ni Karylle kita na agad ang galing ng isang Jericho. Kaya naman talagang tututok ka kaagad hindi lamang sa husay umarte kundi sa ano nga ba ang kuwento ng dating Pangulong Manuel Luis Quezon?
Muling nagtagumpay ang TBA Studios sa paglalahad ng isa na namang Filipino historical biopic kaya ganoon na lamang ang kasiyahan ng mga nagsipagganap sa pelikula sa pangunguna ni Echo.
Ani Jericho bago sinimulan ang pagpapalabas ng pelikula noong premiere night, “Very proud right now. Regardless, despite, I am very proud. The creatives behind me, excellente! Magaganda, mapagmahal, mapagbigay, at mababait, mga taong nagtrabaho rito (Quezon), nasusunog kami ngayon.
“It is such an important film, especially right now, I believe this is one of the most important films now. Because of its meaning. Revisiting history—the purpose of the film is a call to action, a movement.”
“Gusto naming maging bahagi ng wave ng Philippine cinema ngayon, na dahan-dahan ngunit tiyak na nakikipag-kompitensya ang local sa mga dayuhang pelikula at kailangan natin humabol,” wika naman ni Karylle na gumaganap na Donya Aurora, ang asawa ni Quezon.
Sa pelikula, naipakita ni direk Jerrold Tarog kung anong klaseng asawa, pangulo, ama, kaibigan si Quezon. Masalimuot ang relasyon ni Quezon kay Donya Aurora, gayundin kung gaano siya kagaling magtalumpati, mangumbinse ng tao.
Balanse ang pagkakalahad ng istorya (na ipinakita nila sa isang sine sa pelikula) ang buhay ni Quezon sa pagpapakita ng good at bad side nito. Ipinakita rin na noong panahon ni Quezon uso na ang korapsiyon at iyong iniaangal ng mga tao kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, hindi pala ito ang una, kundi si Quezon. Sabi nga ni Arron Villaflor sa pelikula, “mahusay siyang maglaro ng politika pero maganda ng kanyang hangarin,” patungkol kay Quezon.
Kasama rin sa pelikula ni Quezon sina dating pangulong Manuel Roxas (JC Santos), Sergio Osmena (Romnick Sarmenta), at si Emilio Aguinaldo na ginampanan ni Mon Confiado.
Kahanga-hanga rin na naaral ni Echo ang klase ng pagsasalita ni Quezon gayundin ang mga gawi nito. Aliw nga kami sa paborito niyang tawag o salita sa kausap o kaibigan, ang “my friend!”
Mapapanod ang Quezon simula bukas, October 15 at magkakaroon ito ng international screening sa Australia at New Zealand sa Oct. 30, North America at Canada sa Oct. 31, at Middle East sa Nov. 20.
Habang ang bansa ay nasa bingit ng kalayaan, ipinakita sa pelikula pag-angat ni Quezon sa kapangyarihan, pag-navigate sa matinding tunggalian at alyansang pampolitika para manalo sa halalan sa pagka-pangulo noong 1935. Sinasaliksik ng pelikula ang pakikipaglaban ni Quezon kina Leonard Wood (Glen), Osmeña, at Emilio na nagpipinta ng isang nakaaakit na larawan ng isang pinuno na muling humubog sa kasaysayan ng Pilipinas.
Kasama rin sa pelikula sina Arron (batang Joven Hernando), Ketchup Eusebio, Therese Malvar, Angeli Bayani, Bodjie Pascua, Ian Glen, Joross Gamboa, Jake Macapagal, Benjamin Alves (batang Quezon), Jojit Lorenzo, Ana Abad Santos at marami pang iba.
Ayon sa TBA Studios, , nilapitan sila ng ilang mga internasyonal na distributor, na ang ABS-CBN International ang eksklusibong theatrical distribution rights para sa Quezon sa mga pangunahing teritoryo sa ibang bansa.
Inihayag naman ni TBA President at CEO Daphne Chiu, “We’re thrilled that ‘Quezon’ will finally be seen Filipinos around the world and not just by the Filipino community, but also by fans of historical and political cinema. This is a world class production made for the big screen, and we’re proud to share this important story with a global audience.”
Minamarkadahan ng pelikulang Quezon ang pagtatapos ng film studio’s cinematic Bayaniverse trilogy, ang serye na pelikulang base sa Philippine history ksama ang 2015’s Henera Luna, na itinuturing na highes grossing historical movies of all time at ang 2018’s critically acclaimed Goyo: Ang Batang Heneral.
Ang Quezon ay ginawa ng TBA Studios, kasama ang Film Development Council of the Philippines at CreatePHFilms.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com