Wednesday , November 12 2025
Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Regional target laglag sa drug sting

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga at nakatala bilang regional target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buybust operation sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado ng hapon, 11 Oktubre.

Inaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)—Pampanga Provincial Office ang suspek na kinilalang si alyas Job, 40 anyos, kasunod ng buybust operation dakong 5:37 ng hapon kamakalawa sa Bgry. Remedios, sa nabanggit na bayan.

Nakatala ang naarestong suspek bilang isang high-value individual at kasama sa listahan ng mga nangungunang target sa rehiyon.

Ayon sa PDEA team leader, nasamsam mula sa suspek ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 20 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P136,000; isang unit ng cellphone, at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Nabatid na ang naarestong suspek ay isa sa pangunahing pinagmumulan ng shabu sa Lubao at mga kalapit na bayan.

Ililipat ang mga nakumpiskang piraso ng ebidensiya sa PDEA-3 laboratory para sa forensic examination habang pansamantalang inilagak ang suspek sa PDEA jail facility sa San Fernando, Pampanga.

Isinagawa ang joint operation sa pagtutulungan ng PDEA Pampanga Provincial Office, ng PDEA RO3 Special Enforcement Team (RSET), at ng Lubao MPS.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa section 5 (sale of dangerous drugs) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang kasong paglabag sa Section 5 ay may parusang habambuhay na pagkakakulong at multang mula P500,000 hanggang P1,000,000. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Bodjie Dy III

Maging handa, magkaisa at huwag magpakampante

kay Uwan – Speaker Bodji ni Gerry Baldo NANAWAGAN si House Speaker Faustino “Bodj” Dy …