SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
BIG winner ang Green Bones ng GMA Pictures sa katatapos na Nominees Announcement ngSociety of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) para sa kanilang 8th Entertainment Editors’ Choice Awards (The EDDYS) dahil siyam na nominasyon ang nakuha nito sa major at technical categories.
Walong nominasyon naman ang nakuha ng Hello, Love, Again ng ABS-CBN Studios/GMA Pictures, at parehong pito ang Outside ng Black Cap Pictures at Isang Himala ng Kapitol Films/UXS.
Maglalaban-laban sa Best Actor category sina Sid Lucero (Outside),Dennis Trillo (Green Bones), Joel Torre (Lolo and the Kid), Arjo Atayde (Topakk), Vice Ganda (And the Bread Winner Is), Kokoy de Santos (Your Mother Son), at Alden Richards (Hello, Love, Again).
Sa kategoryang Best Actress maghaharap sina Judy Ann Santos (Espantaho), Mylene Dizon (The Hearing), Shamaine Buencamino (Pushcart Tales), Marian Rivera (Balota), Jane Oineza (Love Child), at Sue Prado (Your Mother’s Son).
Pasok sina Ruru Madrid (Green Bones), Aga Muhlach (Uninvited), Joross Gamboa (Hello, Love, Again), Ronnie Lazaro (The Gospel of the Beast), Miggy Jimenez (Your Mother Son), at Patrick Garcia (A Journey) sa Best Supporting Actor.
Kabilang kapwa sina Lorna Tolentino at Chanda Romero mula sa pelikulang Espantaho para sa Best Supporting Actress category kasama sina Nadine Lustre (Uninvited), Kakki Teodoro (Isang Himala), Cristine Reyes (The Kingdom), at Elora Espanyo (Your Mother Son).
Nasa listahan naman ng mga nominado para sa Best Director sina Carlo Ledesma (Outside), Cathy Garcia Sampana (Hello, Love, Again), Jonathan Jurilla (Love Child), Kurt Soberano (Under a Piaya Moon), Pepe Diokno (Isang Himala), at Zig Dulay (Green Bones)
Maglalaban-laban ang Green Bones, Under a Piaya Moon, Hello, Love, Again, Outside, Isang Himala,at Love Child sa Best Picture.
Narito ang mga nominado para sa technical at creative categories:
Best Editing:
Green Bones, Hello, Love Again, Love Child, Pushcart Tales, My Future You
Best Cinematography:
Green Bones, Outside, Under a Piaya Moon, Kono Basho, Espantaho
Best Production Design:
The Kingdom, Piaya, Outside, Hello, Love Again, Green Bones
Best Sound:
Topakk, Espantaho, Isang Himala, Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, The Kingdom
Best Musical Score:
Isang Himala, And the Breadwinner Is, Un/Happy for You, Hello, Love Again, Green Bones
Best Theme Song:
Isang Himala, Topakk, My Future You, Road to Happy, Uninvited
Best Visual Effects:
The Kingdom, Espantaho, My Future You, Outside, Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, Topakk
Inihayag ang mga nominado kahapon, Hulyo 1, Martes sa Rampa Bar sa Tomas Morato, Quezon City. Live stream ang event sa Facebook page ng PlayTime PH at itinampok ang pagtatanghal ni Dulce, kasama ang aktor-philanthropist RS Francisco, na tatanggap ng Isah V. Red Award ngayong taon at Max Eigenmann, Best Actress winner sa 6th EDDYS sa nagbasa ng mga nominado.
Ang 8th EDDYS ay co-presented ng Newport World Resorts at ABS-CBN, produced ng Brightlight Entertainment na pinangungunahan ni Pat-P Daza at ididirehe ni Eric Quizon. Gaganapin ang 8th EDDYS sa July 20, 2025 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City at magkakaroon ng delayed telecast sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.