HINDI nakapalag sa mga tauhan ng Caloocan City Police ang 33-anyos lalaking may kinahaharap na kasong Acts of Lasciviousness matapos ang isinagawang manhunt operation at hainan ng warrant of arrest, kamakalawa sa Bagong Barrio, Caloocan City.
Sa report ng operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City sa pamumuno ni Colonel Paul Jady D. Doles, inaresto ang akusadong kinikilala bilang most wanted person sa Bagong Barrio,
dakong 4:20 ng hapon, kamakalawa.
Dala ang bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marcelino Rodriguez Gonzales II, Presiding Judge ng MeTC Branch 42, Quezon City, may petsang 27 Mayo, 2025 sa kasong Acts of Lasciviousness.
Inaresto ang 33-anyos akusado sa ikinasang manhunt operation gamit ang Alternative Recording Device (ARD) para masiguro na mayroong sapat na documentation sa paghuli.
Una munang dinala ang akusado sa Caloocan City Medical Center (CCMC) para sa medical and physical examination saka ipinasa sa Investigation and Detective Management Section – Warrant and Subpoena Section (IDMS-WSS) para sa pansamantalang pagkakulong habang inihahanda ang mga kaso na ihahain sa korte.
Samantala, pinarangalan ni Police Brigadier General Josefino D. Ligan, District Director ng Northern Police District (NPD) ang mabilis na pagtugon ng Caloocan City Police Station sa paghuli sa mga nasasangkot sa krimen. (VICK AQUINO)