Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Along Malapitan Caloocan GCash Digital Excellence Award

Ayuda ng Caloocan LGU, idaraan na sa GCash

SINIMULAN ng Caloocan City local government unit ang paggamit ng GCash para sa pagkakaloob ng serbisyong pagbibigay ng buwanang allowance sa mga Solo Parents, Senior Citizen Birthday Cash Gift, at Agapay sa Manggagawa.

Kasabay nito, tumanggap ang Caloocan LGU ng Excellence in Digital Transformation Award at Palengke Digital Breakthrough Growth Award mula sa GCash Digital Excellence Award (GDEA) sa pakikipag-partner sa financial technology (FinTech) sa pagsisikap na maisama ang teknolohiya sa pagkakaloob ng serbisyo at digitalize na transaksiyon sa lungsod.

Nagpahatid nang lubos na pasasalamat si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa GCash sa ipinagkaloob na parangal at tiniyak na magpapatuloy ang ganitong inisyatiba sa paggamit ng teknolohiya para sa kaginhawaan ng kanilang mamamayan.

“Malaking bagay po ito para sa atin dahil dito, nakikita natin na nasa tamang direksiyon ang ating mga programa, Mula nga po nang nakipagtulungan tayo sa GCash, mas napagsilbihan natin ang mga mamamayan lalo ang mga taxpayer at mga miyembro ng vulnerable sectors dahil hindi nila kailangan pang pumunta sa city hall at pumila para lang makapagbayad o matanggap ang benepisyong para sa kanila,” pahayag ni Mayor Along.

Sabi ng alkalde, malaking bagay ang magkaroon ng katuwang ang lokal na pamahalaan tulad ng GCash dahil ang kanilang programa at serbisyo ay mabilis at maayos na maipaaabot sa mga Batang Kankaloo.

Maraming residente ang natuwa, partikular ang mga benepisyaryo dahil mapapadali ang kanilang pagkuha ng ayuda. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

911 Emergency Call

Sa tawag sa E911: 
3 suspek sa pamamaril, dakip agad

BUNGA ng mabilisang pagresponde ng Quezon City Police District (QCPD) sa sumbong mula sa Emergency …

QCPD Quezon City

Mahigpit na batas vs “repeat offenders” isinusulong ng QCPD

DAHIL sa “repeat offenders” o paulit-ulit na gumagawa ng krimen ang kadalasang naaaresto at nakalalabas …

POLPHIL

Suspensiyon ng fuel excise tax hiniling sa pagtaas ng presyo ng langis

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang matibay nitong suporta sa panawagan ni …

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …