Thursday , June 4 2026
West Philippines Sea WPS

Tulfo, DFA secretary, Chinese envoy nag-miting para wakasan angasan sa WPS

NAGPULONG na sina Senador Erwin Tulfo, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro, at Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan, sa layuning maayos ang gusot sa pagitan ng mga mambabatas at ilang opisyal ng Embahada ng China sa bansa ukol sa palitan ng ‘maaanghang na salita’.

Si Tulfo ay kumatawan sa mga senador dahil siya ang Chairman ng Senate Committee on Foreign Relations.

Magugunitang matapos ang palitan ng maaanghang na salita sa ilang mga senador at opisyal ng Embahada ng China ay inirekomenda ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pag-uusap ng dalawa upang matigil na ang gusot.

Matatandaang naghain ng isang resolusyon ang senado para kondenahin ang naging pahayag ng opisyal ng China ukol sa isyu ng West Philippines Sea (WPS).

Ayon kay Tulfo bukas ang channel ng senado kahit anong oras para makipag-usap sa mga kinatawan ng China kung kailangan.

Hindi idinetalye ni Tulfo kung ano pa ang napag-usapan nilang tatlo ngunit umaasang maliliwanagan na ang bawat panig. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …