Tuesday , June 23 2026
University of Caloocan City UCC

2,396 Iskolar ng UCC graduate na

NAGTAPOS na sa kanilang pag-aaral ang 2,396 iskolar ng University of Caloocan City (UCC).

Dumalo sa seremonya ang mga opisyal ng Caloocan City sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan kasama si Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV bilang panauhing pandangal na ginanap sa SM Mall of Asia Arena.

Binigyang-diin ni Sen. Aquino kung paano nagbibigay ang Lungsod ng Caloocan ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa UCC para sa mga residente sa ilalim ng City Ordinance No. 0553, Series of 2014, bago pa ipinanukala ang mga katulad na batas sa pambansang antas.

Samantala, may kabuuang 372 mag-aaral ang ginawaran ng Latin Honors habang ang ibang nagtamo ng special awards ay nakatanggap ng regular na cash incentives na ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod sa isang hiwalay na seremonya ng pagkilala, kabilang ang P10,000 para sa mga magna cum laude at P5,000 para sa mga cum laude.

Binati ni Mayor Along ang halos 3,000 Batch 2026 graduates ng UCC, kabilang ang mga nasa graduate school, sa kanilang pagpupursige at tiniyak na magpapatuloy ang suportang kanilang natanggap mula sa pamahalaang lungsod kahit na lampas na sa kanilang pagtatapos.

“Binabati ko po ang mga estudyante mula sa UCC na nagsipagtapos ng kanilang pag-aaral, kasama ang kanilang mga magulang at guro na sumubaybay at sumuporta sa kanila mula sa simula ng kanilang pag-aaral,” pahayag ni Mayor Malapitan. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …