Tuesday , June 23 2026
Rabin Angeles Angela Muji Jerald Napoles

Rabin ‘di makalimutan sinabi ni Jerald 

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI makakalimutan ni Rabin Angeles ang sinabi sa kanya noon ni Jerald Napoles nang makatrabaho sa isang pelikula nang nagsisimula pa lang siya.

At ngayon magkasama sila sa  kauna-unahan nilang anthology ni Angela Muji na mapapanood sa Viva One Originals na magsisimula sa May 15, muli niya itong sinabi kay Jerald.

Kuwento ni Rabin sa naganap na mediacon ng kanilang anthology, “‘Yung first project namin ‘Instant Daddy,’ sabi ko ‘Kuya Jerald extra po ako dati sa ‘Instant Daddy’ sabi ko.

“Sabi niya sa akin ‘naaalala kita ‘di ba sabi ko sa ‘yo uso ‘yung mukha mo, mag-aral ka umarte,’ nakakatawa po talaga siya.

“Noong sinabi niya nga sa akin na, ‘uso ‘yung mukha mo, puwede ka sumikat’ ,extra pa lang po ako noon, ganoon kabait si Kuya Jerald natandaan niya po ako.

“Tapos noong nagkatrabaho na kami sobrang dami po ng kanyang itinuturo sa akin, tapos parang nare-realize ko po habang nagti-taping na ang pinakamahirap gawin para sa akin ngayon ang pagko-comedy.

“Kasi parang hindi po siya mapipilit, kapag ‘di ka nakatatawa, ‘di ka nakatatawa dapat may timing ka.

Sobrang dami po niyang itinuro sa akin, sobrang nakamamangha siya kasi kapag magti-take na titingnan lang niya ‘yung script tapos hindi niya ime-memorize tapos take, ang haba ang galing.

“Tapos tinatanong ko siya kung paano niya ginagawa, para kaming magkapatid sa set, naglalaro lang.”

Nagkasama ang dalawa sa Same Day Error na mapapanood sa May 22 na idinirehe ni Rayn Brizuela.

Ang iba pang istorya na mapapanood sa anthology ng RabGel na ipalalabas kada linggo: Ang Rider Kong Hoodlum (May 15, Director: Philip King), My CEO Thinks I’m a Robot (May 29, Director: Gino M. Santos), at Us, Maybe (June 5, Director: Crisanto B. Aquino).

Sa apat na linggo ay iba-ibang Rabin at Angela ang mapapanood dito na nagpapakita ng versatility bilang artista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …