Tuesday , June 23 2026
arrest, posas, fingerprints

Sugal pusta shabu, 7 kelot arestado

KULUNGAN ang bagsak ng pito katao na naaktohang nagsusugal gamit ang shabu bilang pustahan sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, dakong 8:30 ng gabi kamakalawa nang maaktohan ng mga tauhan ni Police Sub-Station 5 Commander P/Capt. Doddie Aguirre ang apat na lalaki na nagsusugal ng cara y cruz sa isang abandonadong bahay sa M.H. Del Pilar, Brgy. Arkong Bato.

Nakompiska sa mga suspek ang bet money at pangkara habang nakuha kina alyas Leo, at alyas Rodel, ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nauna rito, huli rin sa akto ng mga tauhan ng SS4 ang dalawang lalaki na nagka-cara y cruz sa Pinalagad, Brgy. Malinta dakong 4:30 ng hapon at nasamsan sa kanila ang bet money, pangkara, at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakuha kay alyas Paul.

Samantala, sa Brgy. Bagbaguin, naaresto ng mga tauhan ng SS8 ang tatlong pasaway habang nagsusugal din ng cara y cruz sa Sapa Street at nakompiska sa kanila ang bet money, pangkara, at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasamsam sa street sweeper na si alyas Joe, 22 anyos.

Isinailalim sa inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office ang mga suspek para sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na karagdagang kaso sa apat na nahulihan ng droga. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …