Thursday , June 4 2026
dead gun

5 pulis patay sa ambush

ni ALMAR DANGUILAN

PATAY agad ang limang pulis habang tatlo ang sugatan matapos tambangan sa Maguindanao St., Barangay Mother Poblacion sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat, target ng pag-atake ang mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa ilalim ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office (MDSPPO).

Ayon kay Captain Steffi Salanguit, tagapagsalita ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), sakay sa isang police vehicle ang mga opisyal habang pabalik sa kanilang headquarters sa Camp Datu Akilan matapos magsagawa ng patrol sa town center dakong 9:10 ng gabi nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek.

Sa kabila nito, nagawang gumanti ng putok ng mga pulis habang nagmamaniobra palayo sa lugar at direktang tumungo sa Maguindanao del Sur Provincial Hospital.

Kinilala ni Salanguit ang limang napatay na patrolman na sina Kenneth Perocho, Al-Fatah Marohom, Amil Bangsa, Arsenal Sivih, at Sayed Ridwan habang sugatan sina P/Lt Alfred Gregory, P/SSg Adam Kansi, at Pat Abubakar Lauban.

Kinondena ni Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ang marahas na insidente at ipinaabot ang kanyang pakikiramay at panalangin sa mga pamilya ng mga biktima.

“Ang ganitong uri ng karahasan ay direktang pag-atake sa batas, kaayusan, at kapayapaan na sinikap nating itaguyod sa ating bayan. Hindi natin hahayaang mangibabaw ang takot at kaguluhan sa Shariff Aguak,” sabi ni Shariff Aguak Vice Mayor Hadji Oping Ampatuan.

Nabatid na ito ang ikatlong insidente sa parehong lugar pagkatapos ng 1 Enero 2018 at 15 Hunyo 2023, na nagresulta sa pagkasawi ng sibilyan at pulis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …