Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fire

Nakasinding kandila tumupok sa 30 bahay sa Valenzuela City

HINDI liwanag kundi naglalagablab na apoy ang naidulot ng napabayaang nakasinding kandila at tumupok sa 30 bahay na inookupahan ng 50 pamilya sa Valenzuela City nitong Sabado ng gabi.

TINATAYANG nasa 30 bahay ang natupok ng apoy makaraang maiwan ang isang nakasinding kandila na nagpahirap ngayon sa aabot sa 50 pamilya na nasunugan sa isang residential area sa San Gregorio Street, Barangay General T. De Leon, Valenzuela City, Sabado ng gabi.

Sa report ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO), halos gawa sa light materials at kahoy ang kabahayan sa San Gregorio St., Barangay General T. De Leon sa nasabing lungsod kaya madaling kumalat ang apoy mula sa naiwang nakasinding kandila nang masunog ang isang tela na posibleng pinagmulan ng sunog.

Ayon kay Romer Dela Cruz, hepe ng BDRRMO, nasa 11 fire trucks ang mabilis na nagresponde sa sunog at sinuong ang makikipot na eskinita.

Walang naiulat na namatay sa insidente ngunit may dalawang lalaki, edad 32 at 25 anyos, ang napaso at nagasgas ang katawan.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima sa barangay hall.

Idineklarang fire under control ang sunog bandang 12:19 ng madaling araw at tuluyang naapula ang sunog bandang 1:00 ng madaling araw nitong Linggo. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of …

Chopper bumagsak sa Pililla Rizal

Chopper bumagsak sa Pilillia, Rizal; 1 patay, 4 sugatan

DEAD on the spot ang isang indibiwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos …

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …