Thursday , June 19 2025
Daniel Fernando Bustos Dam

Fernando hiniling agarang palitan nasirang gate ng Bustos Dam, kontraktor nais mapanagot

MATAPOS masira ng ikatlong gate ng Bustos Dam noong 1 Mayo,– mariing hiniling nina Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Chairman at Gob. Daniel R. Fernando sa mga kinauukulan na agarang panagutin ang kontraktor ng dam sa paggamit nito ng substandard na mga materyales.

Sa pagpupulong sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at National Irrigation Administration (NIA) noong 21 Mayo sa NIA Command Center sa Quezon City, nanawagan si Fernando sa kongreso na ipatawag ang TP Construction, Inc. – Guangxi Hydroelectric Construction Bureau Co., Ltd. Consortium dahil sa kapabayaan nito.

“Nananawagan ako sa kongreso, nananawagan po ako sa ating mga congressman at congresswoman, maaari po ba na ipatawag natin sa kongreso ‘yang contractor na ‘yan para malaman at maimbestigahan ‘yan,” aniya, habang binibigyang diin na ang NIA ang naaangkop na ahensiya para humiling nito sa kongreso.

Ipinunto rin ng gobernador kay Eduardo Eddie G. Guillen, miyembro ng lupon ng mga direktor ng NIA, ang pangangailangan sa kagyat na pagpapalit ng limang natitirang rubber gates ng Bustos Dam upang maiwasan ang posibleng pagkasira nito lalo’t papalapit na ang tag-ulan at inihahanda na rin ng mga magsasakang Bulakenyo ang kanilang mga sakahan.                   

               “Pagdating po ng tag-ulan, iyon po ang pinangangambahan namin. Kapag po dumating ang malalakas na ulan, na na-experience na namin noong nakaraang taon pa, magpapakawala kayo ng tubig, mamaya hindi na ‘yan makayanan ng mga natitira pang gate, bigla nang sumabog. Ano na po’ng gagawin natin?” dagdag niya.

Iginiit din ng kongresista na si Atty. Danilo A. Domingo sa NIA na gamitin ang lahat ng pondong nakalaan para sa pagpapalit at pagsasaayos ng mga sirang gate sa lalong madaling panahon.

“[That money] should be utilized. Apparently, ang atin pong initial evaluation, it should be utilized immediately. Hindi na po tayo pwedeng magbagal-bagalan ngayon sapagkat, kung hindi po natin makokontrol ‘yung nasirang gate, mas lalong hindi po natin makokontrol ‘yung mga paparating na bagyo at ‘yung tubig na babagsak na mas malaki po,” ani Domingo.

Nagpadala ang NIA ng liham sa Office of the President noong 7 Mayo upang humingi ng suporta sa pasilitasyon ng alokasyon ng pondo na P1.5 bilyon para sa pangkalahatang rehabilitasyon ng mga rubber gate ng Bustos Dam.

Sinusugan din ito ni Fernando at sinabing dapat na maging prayoridad ang nabanggit na budget kasabay ng pagpapanagot sa kontraktor. Samantala, binigyang diin ni Congresswoman Augustine Dominique “Ditse Tina” C. Pancho ang pagkakaiba ng klima noon kompara sa mataas na heat index at maraming bagyo na nakaaapekto sa mga buhay at kabuhayan ng mga Bulakenyo, kaya aniya, kailangang agaran na maisaayos ang lahat ng gates ng dam.

Iminungkahi ni Congressman-elect Mark Cholo I. Violago na dapat ay ma-blocklist ang kontraktor kahit pa magpalit ng pangalan ang kompanya nito.

Sa kabilang banda, ipinangako ng NIA na pangungunahan nito ang paghahanap sa nararapat na solusyon para rito, ngunit kailangan din anila ng suporta mula sa lalawigan upang iendoso ang kaso sa kongreso at Office of the President kung kinakailangan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

10 MENOR DE EDAD NASAGIP SA TARLAC MAG-ATENG ‘BUGAW NASAKOTE Retrato video ibinubugaw online

Retrato, video ibinubugaw online
10 MENOR DE EDAD NASAGIP SA TARLAC; MAG-ATENG ‘BUGAW’ NASAKOTE

SAMPUNG menor de edad na ang mga retrato at video clips ay ibinubugaw sa internet …

Erwin Tulfo DRT Bulacan FEAT

Incoming Senator Erwin Tulfo nag-inspeksiyon sa DRT, Bulacan

NAG-INSPEKSIYON nitong nakaraang 9 Hunyo si incoming Senator Erwin Tulfo sa isang lugar sa Doña …

Gun poinnt

Sa Araw ng mga Ama
HOUSE COMMITTEE DIRECTOR ITINUMBA SA B-DAY NG ANAK

ni ALMAR DANGUILAN HINDI nakaligtas sa kamatayan ang Director ng House ways and means committee …

BARMM Rice Bigas

P680-M biniling bigas ng BARMM pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ng ilang mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang sinabing pagbili …

Container van nahulog sa trailer truck Taxi napipi Abad Santos Ave

Tumama sa ilalim ng footbridge
Container van nahulog sa trailer truck taxi nadaganan
Tumaas na aspalto sinisi

MATINDING pinsala ang inabot ng isang taxi matapos madaganan ng container van na nahulog mula …