Tuesday , June 24 2025
Arrest Shabu

Tandem sa ilegal na droga
KOREAN AT CHINESE NATIONALS NASAKOTE

DALAWANG dayuhan na itinuturing na high-value individuals (HVIs) ang naaresto sa ikinasang anti-illegal drug operation ng Angeles City Police Office (ACPO) katuwang ang Regional Intelligence Unit 3 (RIU3) ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa Arayat Boulevard, Barangay Pampang, Angeles City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Zhou, 28 anyos, Chinese national, at alyas Kim, 38 anyos, Korean national, kapwa naninirahan sa isang apartment sa Barangay Margot, Angeles City.

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na limang gramo at may standard drug price na P34,000.

Nakatakas ang target ng operasyon na si alyas Boss, kabilang sa listahan ng mga target personalities ng pulisya sa patuloy ang isinasagawang follow-up operation upang siya ay maaresto.

Ayon kay P/Brigadier General Jean S. Fajardo, Regional Director ng PRO3, ang pagkakaaresto sa dalawang dayuhang HVI ay nagpapakita ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga sa rehiyon.

Ayon sa opisyal, ang tagumpay na ito ay patunay ng masigasig at walang humpay na pagtatrabaho ng  mga operatiba na hindi mag-aatubiling tugisin at papanagutin ang mga sangkot sa ilegal na droga—lokal man o banyaga.

Ang mga naarestong suspek at nakompiskang ebidensiya ay dinala na sa Angeles City Drug Enforcement Unit (ACDEU) para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, kaugnay ng Section 26, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Rogelio Pojie Peñones Jose Melencio Nartatez Jr JEAN S FAJARDO

PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, bagong regional director ng PRO3

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga-Pinangunahan ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez …

Anthony Banayad Granada

Pagkamatay ng missing DLSU law student iniimbestigahan

MASUSING iniimbestigahan ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng naunang iniulat …

Fuel Oil

Sa banta ng oil price hike kaugnay ng tensiyon sa Israel vs Gaza at Iran  
Walang delay na fuel subsidy sa PUV drivers ipinatitiyak ni Tulfo sa DOTr at LTFRB

NAGPAHAYAG si committee on public services chairman Senador Raffy Tulfo ng kanyang full support sa …

LPG Explosion

Warehouse ng gasolina sumabog 3 laborer sugatan sa Tondo

SUGATAN ang tatlong construction worker matapos ang insidente ng pagsabog sa loob ng isang warehouse …

Nicolas Torre III Rendon Labador PNP

Fitness instructor itinanggi ng PNP

WALANG kinukuha o pinahintulutan na maging fitness instructor para sa mga physical fitness program ang …