IPO-PROMOTE ni Nick Vera Perez ang ika-apat niyang album na all-original at all-new OPM ngayong Mayo 2025.
Ang album, na nagtatampok ng mga sariwang hit at melodies, ay sinamahan ng isang serye ng mga live na pagtatanghal para sa kanyang mga tagahanga. Sisimulan ang promotional tour sa pamamagitan ng signature press conference at susundan ng mga palabas na bibihagin ni Nick ang kanyang mga manonood sa mga nakapapawing ritmo at taos-pusong liriko ng kanyang pinakabagong obra.
Pinamagatang Parte Ng Buhay Ko, ang pang-apat na album ni Nick, na inilabas noong 2022 sa lahat ng digital platforms, ay binubuo ng siyam na track, na lahat ay binubuo para sa kanya ng talentadong Adonis Tabanda. Ang carrier single ng album, Parte Ng Buhay Ko, ay nagkaroon ng opisyal na debut noong Abril 12, sa 7th Year Grand Gala Anniversary sa Chicago, na well-attended black-tie event.
Nakapaloob sa album ang mga awiting Biyaya, Paghilom Ng Sugat, Titig, Lihim Ng Puso, Kalendaryo, May Tayo Ba?, Pangarap Ko’y Ikaw, at Sana’y Mapansin.
At bilang bahagi ng kanyang promotional tour, bibisitahin ni Nick ang iba’t ibang media outlets at venue, kabilang ang Eat Connect ng Net 25, Wej@Minute, Sta. Lucia East Mall, Isetann Recto, Robinson’s Novaliches, at mga estasyon ng radyo tulad ng Wish Bus. Isa sa mga highlight ng tour ay ang espesyal niyang pagtatanghal para sa Mother’s Day sa Mayo 11, 2025, (Linggo) sa KCC Mall de Zamboanga. Makakasama niya rito si Ms. Evelyn O Francia at ang kanyang promising new talent, si Hannah Shayne. Ang mga karagdagang petsa ng paglilibot at pagbisita ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon.
Bukod sa kanyang music career, bibisita rin si Nick sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ialay ang kanyang charity efforts para sa taon. Higit pa rito, plano niyang magpahinga para masiyahan sa bakasyon kasama ang kanyang ina, subalit walang maayos na bakasyon ang singet dah napakarami ang gagawin niyang paglilibot.
Pinaghahandaan din ni Nick ang pag-a-unveil, pagpo-promote, at ililibot din niya ang kanyang ikalimang gospel album, Unafraid, at uumpisahan na ang ikaanim na dance album na inaasahang ilulunsad bago matapos ang taon.