INARESTO ng mga awtoridad ang isang 32-anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte sa Tarlac, nitong Linggo ng hapon, 6 Abril, sa bayan ng Guagua, lalawigan ng Pampanga.
Inihain ng mga operatiba ng ng Tarlac Provincial Cyber Response Team (Tarlac PCRT) dakong 4:50 ng hapon, kamakalawa upang dakpin ang suspek na kinilalang si alyas “Caloy.”
Inaresto ang suspek para sa kasong paglabag sa Section 4(c)4 (Libel) ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act) na may itinakdang piyansang P30,000.
Binigyang papauri ni P/BGen. Bernard Yang, Acting Director ng PNP Anti-Cybercrime Group, ang RACU 3 sa kanilang patuloy na dedikasyon sa paghuli sa mga wanted person.
Ang cyber libel ay ang pag-post ng mapanirang nilalaman online na maaaring makapinsala sa reputasyon ng isang tao.
Ito ay isang parusang pagkakasala sa ilalim ng batas, na may mga parusa kasama ang mga multa at pagkakulong.
Kaugnay nito, hinimok ng PNP-ACG ang publiko na maging responsable sa kanilang mga online na post upang maiwasan ang pinsala sa iba.
Dagdag pa ni B/Gen. Yang, tandaan na laging mag-isip bago mag-post ng ano man sa online. (MICKA BAUTISTA)