Friday , April 25 2025
Bulacan Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan

Bulacan, Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan awardee

KINILALA ang lalawigan ng Bulacan at tumanggap ng Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan Award noong 13 Marso 2025 sa prestihiyosong 1st Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan Awarding Ceremony na ginanap sa Ceremonial Hall, Malacañang Palace na dinaluhan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., DILG Secretary Jonvic Remulla, DTI Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque, at SAP Secretary Frederick Go.

Sa isang selebrasyon ng huwarang pamamahala at pagpapadali sa pamumuhunan, kinilala ang Bulacan sa kahanga-hanga nitong mga inisyatiba sa pagpapaunlad sa pamumuhunan na nakabalangkas sa Executive Order No. 18, na nagmamandato sa pagkakaroon ng Green Lanes for Strategic Investments.

Nakaangkla sa temang “Making it Happen with a Whole-of-Nation Strategy”, layon ng inisyatibang ito na i-streamline ang mga proseso at lumikha ng business-friendly environment na magsusulong sa probinsiya para manguna sa ekonomikong pag-unlad.

Ang inisyatiba ng lalawigan na ipatupad ang Green Lanes ay makabuluhang nakabawas sa mga bureaucratic bottleneck, nakaakit ng mga potensiyal na mamumuhunan, at pinahusay ang pagiging mapagkompetensiyang lalawigan.

Habang patuloy na binibigyang daan ng Bulacan ang mga estratehikong pamumuhunan, nananatiling nakatuon ang Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) sa pagsuporta sa mga lokal na negosyo, paglikha ng mga pagbabago, at paglikha ng sustenableng mga oportunidad sa trabaho para sa komunidad.

“This milestone reaffirms Bulacan’s leadership in economic growth, sustainability, and investor-friendly governance. By continuously improving regulatory efficiency and business facilitation, the province strengthens its position as a key player in the country’s investment landscape,” ani Atty. Jayric Amil, puno ng PCEDO.

Sa kabilang banda, ipinahayag ni Gov. Daniel R. Fernando ang kanyang pasasalamat sa natamong pagkilala ng lalawigan at sinabing ipagpapatuloy ang pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na pagandahin ang takbo ng pamumuhunan at maging isang modelo na nagbibigay inspirasyon sa ibang mga rehiyon.

“Receiving the Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan Award is not just an honor; it is a testament to the hard work of our local government and the collaborative spirit of our community,” ani Fernando.

Kabilang din sa iba pang mga pinarangalang kahanay ng Bulacan ay ang mga probinsiya ng Laguna, Northern Samar, Cavite, Batangas, Ilocos Norte, at Lungsod ng General Trias.

Ang Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan Award ay kumikilala sa mga lokal na pamahalaan na nagpakita ng kahusayan sa pagtataguyod at pagpapadali ng mga pamumuhunan na nakatutulong sa paglago at pag-unlad ng kani-kanilang rehiyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …