Friday , April 18 2025
Marilao interchange bridge NLEX Bulacan

Dahil sa road crash sa NLEX Bulacan,  
2 northbound lanes sa Marilao interchange bridge isinara

INIANUNSIYO ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation nitong Miyerkoles, 19 Marso, ang pansamantalang pagsasara ng dalawang northbound lane sa Marilao Interchange Bridge dahil sa isang insidente.

Sa kanilang advisory sa Facebook, pinapayohan ng NLEX ang mga motorista na pansamantalang isinara ang lane 2 at 3 (middle lanes) ng Marilao Interchange Bridge Northbound dahil sa tinamaang tulay kaya asahan ang mga pagkaantala sa trapiko.

Pinayohan ng NLEX Corporation ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta- mula sa EDSA pupuntang Bulacan/Pampanga, mangyaring lumabas sa Karuhatan Exit/Paso de Blas NB Exit / Meycauayan NB Exit papunta sa MacArthur Highway at muling pumasok sa NLEX CDV Northbound o NLEX Bocaue Interchange Northbound.

Para sa mga motorista mula Bulacan/Pampanga na pupunta ng Maynila, mangyaring lumabas sa Bocaue Southbound Interchange o CDV Southbound, kumanan sa MacArthur Highway at muling pumasok sa NLEX Meycauayan southbound.

Sa update ng trapiko kahapon ng 10:00 ng umaga, sinabi ng NLEX Corporation na nagkaroon ng banggaan sa Marilao Interchange Bridge na humantong sa pansamantalang pagsasara ng dalawang lane.

Ang bilis ng takbo sa NLEX Harbour Link Interchange Bridge hanggang Marilao NorthBound ay nasa 10 hanggang 15 kilometro bawat oras habang isang patrol team ang nasa lugar upang pamahalaan ang sitwasyon ng trapiko.

Para sa Tambubong, Bocaue hanggang Marilao Southbound, sinabi ng NLEX Corporation na ang pinakakaliwang lane ay dati nang ginamit bilang zipper lane para sa northbound traffic na may bilis na 20 kph.

Samantala, para sa Marilao Interchange Bridge na patungo sa MacArthur Highway, sinabi ng NLEX Corporation na pansamantalang ipinagbabawal ang Class 2 at 3 sasakyan sa paggamit ng tulay.

Tanging mga Class 1 sasakyan ang pinapayagan samantalang isang stop-and-go scheme ang ipinapatupad sa lugar, na may katamtamang trapiko. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …