Thursday , March 20 2025
Mike Sandejas Sinagtala Glaiza de Castro Rayver Cruz Arci Muñoz Matt Lozano Rhian Ramos

Direk Mike nilinaw Sinagtala ‘di musical — it’s a drama, talks about life, something relatable  

AMINADO si Rayver Cruz na sobrang naka-relate siya sa karakter na ginagampanan niya sa pelikulang Sinagtala. Kasama ni Rayver sa pelikula sina Rhian Ramos, Arci Munoz, Matt Lozano, at Glaiza De Castro. Handog ito ng Sinagtala Productions  at mapapanood simula Abril 2 sa mga sinehan.

Bibigyan buhay ng pelikula ang paglalakbay ng isang banda sa kinabibilangan nina Rayver, Rhian, Arci, Matt, at Glaiza na mga musikero na ang buhay ay magkakaugnay. Ito ay idinirehe ni Mike Sandejas.

Ginagampanan ni Rayver ang karakter ni Regie na gustong maabot ang pangarap. At tulad ni Regie, inaabot pa rin ni Rayver ang kanyang pangarap.

“Hangggang ngayon naman kasi I’m constantly still chasing my dream. Si Regie ganoon din siya kaya nga siya sumali sa banda, ang Sinagtala. Kasi roon siya magaling, doon siya komportable kapag kasama niya ang mga bandmate niya na parang pamilya na niya. 

“Pero outside the entablado kapag wala na siya o hindi na tumutogtog malalim ang pinagdaraanan niya with his daughter, sa nangyayari sa buhay niya.

“For me iyon siguro. Ako kasi specially this year sobrang into music ako and music talaga ang nagpapasaya sa akin. Like noong 2024 and 2025 specially nahihilig ako sa paggigitara,” ani Rayver nang matanong kung hanggan ngayon ba ay hinahabol o inaabot pa rin niya ang kanyang pangarap. 

Sinabi pa ni Rayver na sobrang saya niya nang kunin siya sa pelikulang Sinagtala.  “Kaya noong kinuha ako ni direk Mike talagang sobrang saya ko and feel ko talaga na hindi kami nagsu-shooting sa ibang eksena.

“Parang talagang ang tawag nga namin sa bawat isa, bandmates talaga. Hindi man kami nagkita noong Holiday Seasons pero kapag nagkikita kami, ‘hey bandmate’ ganoon talaga, ang saya thank you,” susog pa ni Rayver.

Sa kabilang banda, naniniwala si direk Mike na malakas ang magiging hatak ng Sinagtala sa manonood dahil aniya, “Unang-una with all star cast, these kids are really popular. Number two hindi siya musical na parang Broadway, they’re bonding with their music. It’s a drama, it talks about life, something relatable. 

“But as far as commercial elements is concern we have this five. Sa Instagram followers na lang ng limang ito ilang milyon na. Pangalawa ‘yung music namin we have one of the best musical soundtracks in Philippine Cinema history. The music is sexy. And the story itself is something that everyone can relate to. And there are a lot of twist and turns.

“And I think we have all the elements for a good film,” giit pa ni direk Mike.

Nilinaw pa ni direk Mike na hindi musical ang kanilang pelikula kundi istorya ng limang miyembro ng nasa banda. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Roderick Paulate Maricel Soriano

Kuya Dick at Maricel panalo sa 38th PMPC Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente WAGI ang mag-bestfriends na sina Roderick Paulate at Maricel Soriano sa 38th PMPC Star Awards …

Papa Yohan Ms K Barangay LSFM 97.1

Papa Yohan at Ms K bagong dagdag sa pamilya ng Barangay LSFM 97.1 

MATABILni John Fontanilla MAY dalawang bagong dagdag sa pamilya ng nangungunang FM Station sa bansa, …

Mia Pangyarihan Lito Alejandria WASSUP

WASSUP Super Club nina Mia, Jayvee, John, Mamalits dapat abangan

MATABILni John Fontanilla SA tagumpay sa negosyo ng isa sa original Sex Bomb na si Mia Pangyarihan na mayroong …

Atty Levi Baligod Malot Baligod

Atty. Levi Baligod gustong tutukan usaping ekonomiya sa Leyte

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ISA pang politiko ang nakaharap namin kamakailan. Ang kontrobersiyal na abogado …

Ara Mina Sarah Discaya 3

Ara kay Sarah — masarap makasama taong may mabuting puso

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IPINAKILALA ni Ara Mina sa kanyang mga kaibigan sa entertainment media ang tinatawag …