Thursday , March 20 2025
Eleven11

Eleven11 palalakasin kapangyarihan ng mga kababaihan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAPANSIN-PANSIN naman ang pagdating ng anim na naggagandahang babae sa opening presscon ng Barako Festival 2025. Sila pala ang grupong Eleven11, bagong P-Pop group na alaga ng Mentorque Productions. Naroon sila dahil iyon ang kanilang grand debut na isasagawa sa Barako Fest 2025 sa Lipa City, Batangas. 

Ayon sa Eleven11, nabuo ang kanilang grupo mula sa isang segment ng noontime show, Tahanang Pinakamasaya.

Baledalawang taon ang kanilang ginugol para paghandaan ang paglulunsad sa kanila. 

Kami po ay nabuo sa segment po ng isang noontime show, Tahanang Pinakamasaya,” ani Swaggy, ang lider ng grupo na dancer-rapper. 

“Nag-audition po kami. Mayroon po kaming trainings,” susog pa ng magandang dalaga. 

Natanong namin kung bakit Eleven11 ang pangalan ng kanilang grupo. Paliwanag ni Ivy“Actually, 11-11 is a repeating number. It is an angel number. So, whenever you see 11-11, meaning to say that it is a sign from the universe that whatever dreams you have, they will come true. And also it is a sign that our guardian angels are watching over us.”

At naroon sila noong gabing iyon para ihayag na isa sila sa magpe-perform sa Barako Fest concert noong Feb 15,

Hindi naitago ng grupo na excited sila sa gagawing performance lalo’t iyon ang unang pagsabak nila sa malaking venue.

Naibalita rin ng grupo na hanggang ngayo’y sumasailalim pa rin sila sa training at inaayos na ang magiging unang kanta nila.

At dahil P-Pop group din sila hindi naalis na ikompara sila sa sikat na sikat ngayong all girls group na Bini. “In this industry naman po, usually  talagang may mga comparison po. Pero ang goal po namin ngayon, ang mas iniisip po namin is ‘yung growth po ng bawat isa and ma-share po namin ‘yung talent na kung ano po ‘yung mayroon kami.”

“Ang genre po namin is a mix of pop, hip-hop, and R&B. We sing and dance po,” sabi ni CJ. 

Bukod sa magaganda at magagaling manamit ipinamalaki ng grupo ang kanilang kaibahan sa iba. “‘Yun din po ‘yung uniqueness ng grupo namin, may individuality po kami.”

Binigyang-diin ng bagong girl group na layunin ng kanilang grupo na palakasin ang mga kababaihan (empowering women) sa pamamagitan ng P-pop at hindi para makipag-kompetensiya.

Ang anim na miyembro na grupo ay binubuo nina Swaggy, Jade, Ivy, CJ, Barbie, at Audrey.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Roderick Paulate Maricel Soriano

Kuya Dick at Maricel panalo sa 38th PMPC Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente WAGI ang mag-bestfriends na sina Roderick Paulate at Maricel Soriano sa 38th PMPC Star Awards …

Papa Yohan Ms K Barangay LSFM 97.1

Papa Yohan at Ms K bagong dagdag sa pamilya ng Barangay LSFM 97.1 

MATABILni John Fontanilla MAY dalawang bagong dagdag sa pamilya ng nangungunang FM Station sa bansa, …

Mia Pangyarihan Lito Alejandria WASSUP

WASSUP Super Club nina Mia, Jayvee, John, Mamalits dapat abangan

MATABILni John Fontanilla SA tagumpay sa negosyo ng isa sa original Sex Bomb na si Mia Pangyarihan na mayroong …

Atty Levi Baligod Malot Baligod

Atty. Levi Baligod gustong tutukan usaping ekonomiya sa Leyte

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ISA pang politiko ang nakaharap namin kamakailan. Ang kontrobersiyal na abogado …

Ara Mina Sarah Discaya 3

Ara kay Sarah — masarap makasama taong may mabuting puso

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IPINAKILALA ni Ara Mina sa kanyang mga kaibigan sa entertainment media ang tinatawag …