Saturday , March 22 2025
Para Kay B

Para Kay B mapapanood na sa teatro 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na marami ang mae-excite dahil mapapanood na sa teatro ang isa sa pinaka-mabentang nobela ni National Artists of the Philippines for Film and Broadcast Arts, Ricky Lee, ang Para Kay B. Ihahandog ito ng LA Production House at Fire & Ice Live, na mapapanood simula March 14 to 30, 2025, sa Doreen Black Box Theater, Ateneo de Manila University.

Fire & Ice Live is about creating experiences and amplifying stories of the unseen, and Para Kay B embodies that-it’s a raw, witty, and unfiltered exploration of love’s unpredictability, the heartbreaks we endure, and the rare but magical exceptions to the rule. 

“Being part of this production, both as an actress and as a producer, feels like coming home to a story that has touched so many hearts. Playing Ester is deeply personal, as it mirrors my own journey of discovering love beyond expectations,” ani Liza Diño, CEO ng Fire & Ice Live at aktres sa dula na gaganap bilang Ester.

Hinango ito para sa teatro ng kinikilalang si Eljay Castro Deldoc, na tatlong beses na nagwagi ng unang premyo sa Carlos Palanca Memorial Awards, kasama ng nagbabalik sa pagdidirehe na si Yong Tapang, Jr. na nanguna sa 2019 na pelikulang, Doon Sa Isang Sulok, ang Para Kay B ay nag-explore sa mga komplikadong pag-ibig sa pamamagitan ng magkakaugnay na buhay nina Lucas, Bessie, Irene, at Sandra.

People need to see Para Kay B because it speaks to a lot of generations. It is a literary masterpiece that served as a roadmap to a generation looking for love, loss, moral, and social issues. Love letter din namin ito sa mga manunulat at sa artists na patuloy naghahanap ng mga wento,” ani Tapang kung bakit kailangang mapanood ng netizens ang play na ito. 

Ang adaptation na ito ay nakatakdang maghatid ng isang emosyonal na tagpo at visual na nakahihimok na karanasan, na nananatiling tapat sa kakayahan ng nobela habang nagdaragdag ng isang bagong pananaw sa teatro.

Mapapanood ang Para kay B sa March 14 – 7:00p.m.; March 15 & 16 – 2:30 p.m. / 7:00 p.m.; March 21 – 7:00 p.m.; March 22 & 23 – 2:30 p.m. / 7:00 p.m.; March 28 – 7:00 p.m.; March 29 & 30 – 2:30 PM / 7:00 p.m.. Mabibili ang tiket sa Ticket2Me sa www.ticket2me.net.

Ngayon pa lang ay magpa-reserve o bumili na kayo ng tiket dahil tiyak na matutuwa kayo sa panooring ito, na may partnership sa Tungo at Liwanag sa Teatro Inc.  

Sa powerful narrative, stellar creative team, at sa mga talented ensemble cast, tinitiyak na hindi ninyo makalilimutan ang theaterical experience na ito ng Para Kay B Kaya don’t miss the chance na mapanood ang play na ito. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

CIA with BA Boy Abunda Cayetano

Expectation vs. Reality’: Mga mamimili binalaan sa mapanlinlang na online sales practices

SA panahon ngayon, hindi lahat ng nakikita sa internet ay totoo. Kaya naman pinaalalahanan ng CIA …

Ara Mina Sarah Discaya

Ara susubok muli sa politika, peg si Ate Vi

ni Allan Sancon BUKOD sa pagiging magaling na actress, likas din naman  kay Ara Mina ang pagiging matulungin …

I Heart PH ni Valerie Tan

I Heart PH ni Valerie Tan win na win sa 38th Star Awards for Television

MATABILni John Fontanilla INILABAS na ang mga partial list na nagwagi sa darating na 38th Star …

Nadine Lustre Leni Robredo Leila De Lima

Ex VP Leni bilib kay Nadine 

MATABILni John Fontanilla “NAPAKABUTING tao ni Nadine. Ang mga paniniwala niya, matuwid. Kahit Itinuturing siyang …

Puregold CinePanalo 2025 acting awards

Mga pelikula sa Puregold CinePanalo 2025 karapat-dapat panoorin

MATABILni John Fontanilla DALAWANG araw naming kinarir ang mga pelikulang entry sa 2025 Puregold Cine Panalo …