Friday , March 28 2025
PNP PRO3

3 tiklo sa back-to-back operations ng PRO3

SA WALANG TIGIL na pagsusumikap at paglaban sa ilegal na droga sa Central Luzon, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng PRO3 ang tatlong drug suspects sa magkakahiwalay na buybust operation sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga, na humantong sa pagkakakompiska ng 105 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P700,000.

Isinagawa ang unang operasyon noong nakaraang Miyerkoles, 5 Pebrero, dakong 8:00 pm sa Towerville, Brgy. Gaya-Gaya, lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan.

Inaresto ng mga anti-illegal drug operatives mula sa San Jose del Monte CPS, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang suspek na kinilalang si alyas Jay-ar, 42 anyos, tubong-Iloilo at residente sa nasabing lugar.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo ng hinihinalang shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P340,000, kasama ang marked P500 bill na ginamit sa transaksiyon.

Wala pang 24 oras, dakong 7:30 ng gabi noong Huwebes, 6 Pebrero, isa pang buybust operation ang isinagawa malapit sa Tres Marias Resort, Brgy. Cutud, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Inaresto ng Angeles City Drug Enforcement Unit (ACDEU) at Angeles CPS Station 3 ang dalawang high-value target (HVIs) na kinilalang sina alyas Caloy, 40 anyos, residente ng Sto. Domingo, Angeles; at alyas Bok, 34 anyos, isang air-conditioning technician mula Capas, Tarlac.

Nakompiska mula sa mga suspek ang 55 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P374,000.

Nahaharap ngayon ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hinikayat ni PRO3 Regional Director P/BGen. Jean Fajardo ang publiko na aktibong suportahan ang pagsusumikap ng PNP laban sa droga sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad sa pinakamalapit na estasyon ng pulisya o opisyal na mga hotline. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Multi-sectoral na grupo sumuporta sa ARTE partylist at Shamcey Lee

Multi-sectoral na grupo sumuporta sa ARTE partylist at Shamcey Lee

MALAKING suporta sa kandidatura ni Shamcey Supsup-Lee, sa Konseho ng unang distrito sa Pasig City …

TRABAHO Partylist Melai nakatulong na sa naghahanapbuhay, nakapamalengke pa para sa pamilya

Melai nakatulong na sa naghahanapbuhay, nakapamalengke pa para sa pamilya

IBINAHAGI  ng TRABAHO Partylist sa kanilang opisyal na Facebook page nitong Lunes ang video na …

Arjo Atayde kusina on wheels

Kusina on Wheels angat sa mga proyekto ni Arjo

MA at PAni Rommel Placente SA unang sabak palang sa politika ni Arjo Atayde three years ago, …

Arjo Atayde SODA

Arjo ilang beses naluha sa kanyang SODA: 400K residente nakikinabang sa Aksyon Agad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez EMOSYONAL si Congressman Arjo Atayde sa kanyang State of the District Address (SODA) …

032625 Hataw Frontpage

P136-M shabu nasamsam sa pulis, 3 alalay

ni ALMAR DANGUILAN DINAKIP ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine …